I'm Married ♡: Chapter 82.2

4.9K 89 5
                                    

Chapter 82.2

 

Austin’s POV

 

 

~1 month passed.

“Austin, bakit magkasama na naman si Ivan at Alisa?” Tanong sa akin ni Hannah.

Napakunot noo nalang ako. Anong magagawa ko? Alangan naman na pigilan ko silang dalawa? Kahit sinasabi nila na hanggang friends lang sila ay hindi pa din mawawala na meron pa rin silang dalawa na nararamdaman sa isa’t isa.

Ni-hindi ko na din binabanggit ang napag-usapan namin noon na pag bumalik na ang mga alaala nya ay mauuwi kami sa annulment. Nawala na siguro sa isip nya. Buti nalang.

“Austin naman sagutin mo’ko! Mamatay na ko dito sa sobrang selos!” Sinuntok naman nya ako ng mahina. Kanina first subject sobrang saya nya at ang active sa klase, nang second, third, fourth subject naman ay grabe nya kung sagutin ang teacher. Nung break time din, napaka-taray nya. Lalo na sa mga nakakasalubong nya na nakatingin sa kanya. Kung hindi iirapan, kung ano-ano ang sasabihin. Ngayon namang lunch, ang kulit kulit nya. Isa lang ang masasabi ko sa kanya, MOODY.

“Nag-aaral ako. Wag kang magulo.” Sabi ko sa kanya sabay buklat ng libro. Kami lang dalawa ang nasa table ngayon. Wala ang barkada. May iba’t ibang schedule. Sobra kaya dami naming na-miss na lesson. Naging excuse kami pero kailangan pa rin namin ang mag-habol. Buti nalang atisang shoot nalang ay tapos na ang movie.

“Tss. Suplado. Sya nga pala, asan si Luke? Bibihira nalang pumasok yun ah!” Pag-iiba nya ng usapan.

Speaking of my brother, wala na ako halos balita dun! Hindi ko na rin sya masyadong nakikita dito sa University. Kung hindi ako nagkakamali may pinagkakaabalahan na namin yun.

“Ewan.” Sagot ko naman. Wala talaga ako ganang makipag-usap.

*KUHIT*

“Samahan mo’ko. Bili tayo nung Dutch Milk!”

Pero di ko sya pinansin.

*KUHIT*

“Bili nalang tayo ng Ham Sandwich! Libre kitaaaa! ^^”

Hindi ko sya ulit pinansin. Aral mode muna ako ngayon!

*KUHIT*

“Alam mo yang si Kyla at Vince masyado ng nagiging PDA ano?” Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatingin sina Kyla at Vince na kakapasok pa lang ng cafeteria.

Alam na namin ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung hindi dahil pa kay Luke ay hindi namin malalaman.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now