I'm Married ♡: Chapter 74

4.3K 72 1
                                    

Chapter 74

Ivan’s POV

R E T R E A T

Otw na kami sa Tagaytay sa gaganaping Retreat ng all 2nd year. Sa Retreat house kami ng school magii-stay.  4 days and 3 nights kami dun. Katabi ko si Vince sa upuan. Wala nga itong ginawa kundi ang mag-text. Tas biglang ngingiti. At ngayon ko lang sya nakitang ganto. Yung pasimpleng kinikilig?

“Sino ba ang katext mo ha?” Medyo sumilip ako dun sa cellphone nya.

“W-Wala! Anebe Ivan! Hihi!” Sabay layo naman ng cellphone nya sa akin.

O___________O

“V-Vince… B-Bakla ka n-na?!”

Binatukan naman nya ako, “Gago! Inlove lang!” Sabay kindat naman nya sa akin.

Ah. Inlove? Eh inlove lang nam----- Teka?!! Kanino?!!!!

“Kanino?! Share!” Sabay suntok ko sa kanya ng mahina.

“Anebe Pre! Busy ako! Hihihi.” Sabay nag-text uli. =_=

Tss. Bahala ka nga. -_-

Sinaksak ko ang earphone ko sa taenga ko. Sobra kasing ingay dito sa bus. Lalo na’t pinagkakaguluhan din dito yung bagong transferee na magkapatid, sina Zeus at Zedrick.

Ipe-play ko na sana yung kanta ni Jireh Lim na ‘Magkabilang Mundo’ ng biglang kalabitin ako ni Josh sa likod.

“Pre, mukhang makakapatay yata si Aaron.” Bulong sa akin ni Josh.

Napatingin naman kami kina Ianne at Zedrick na magkatabi.

Eto kasi ang seating arrangement.

Ako- Vince

Josh- Aaron

Ianne-Zedrick

Tiff- Zeus

Alisa- Kyla

Austin- Luke

Hannah- (di ko kilalang lalaki dahil taga ibang building sya)

Buti nalang talaga at ang katabi ni Alisa ay si Kyla kaya nakakahinga naman ako ng maluwag.

“Pakalmahin mo muna.” Bulong ko rin naman kay Josh.

“Baka ako ang mapagbuntungan nito.” Bulong rin naman sa akin ni Josh.

Napahikab ako, “Kaya mo na yan! Tutulog lang ako.” Sabi ko kay Josh.

Hindi ko na inantay ang sagot nya at isinalaksak na sa taenga ko yung earphone ko at natulog na.

“Ang ganda!!” Ayan halos ang maririnig mo sa mga sasabihin ng mga estudyante.

“Alisa!!” Napalingon ako sa tumawag ng pangngalan ng mahal ko.

Si Austin na naman.

“Tulungan na kita.” Sabay kuha nya dun sa maleta na dala-dala ni Alisa.

“Kyla!! Tulungan na din kita dyan!” Sabi naman ni Vince kay Kyla. Nagkatitigan lang sila ni Kyla at nagka-ngitian. Teka… Parang may iba dun sa dalawa ah?

“Ms. Hannah, tulungan ka na po namin dyan.” Napatingin din naman ako sa gawing kanan ko kung saan hirap na hirap maglakad si Hannah gawa ng dala nyang maleta at iba pang mga gamit.

Aksidenteng nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko pa din kasi nakakalimutan yung nangyari noong nasa condo nya kami. Even days passed after that scene, hindi pa din mawala yun sa utak ko.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now