I'm Married ♡: Chapter 3

13.2K 200 14
                                    

 

Chapter 3

Ivan’s POV

Wala akong maintindihan. Blah blah. Bakit pa kasi dito ko naisipan sumaling club eh. Ayoko naman sa dance troupe. Ayoko din sa rondalla. Ayoko sa taekwondo, black-belter na kaya ako dun. Tsss. Ni-hindi nga ako mahilig mag-balita at kung ano man. Nakakatamad na rin kasi ang mag-mapeh at pagod na pagod na kong magpunta sa mapeh dept araw-araw. Eh pag kasi kasali ka sa club, pwede ka ng hindi magmapeh.

May babaeng pumasok, nakatingin siya sa akin. I know her. She’s… Alisa, Alisa. Ka-classmate ko ng Grd. 5 and Grd. 6. Halatang nagulat siya. Ang cute/ganda pa rin nya.

 

*Shake head*

Hindi. Si Ianne lang ang cute at maganda para sa akin.

 

May bakante pang upuan sa may tabi ko, pero nilagpasan niya lang ito at sa ibang upuan umupo.

Hindi ko na lang ito pinansin at nakinig na lang ulit kay Mrs. Panganiban.

“Since yung iba naman ay hindi pa ganoon ka sanay sa pag-sulat ng balita o kaya ng article. May mga talagang sobra ng eksperto sa pagsulat, tulad na lang ni Bagayan, Sulit, Taleon, Amadeo, Yao, Dorado, De Guzman, Alaya, Villanueva, Palacol at si Lopez. Kaya naisipan kung maaari kayong apares sa kanila upang matuto.” Sabi nito. Kanino kaya ako ipapares.

“Mr. Dave, kay Ms. Bagayan ka.

Ms. Gia, kay Ms. Sulit ka.

Ms. Ciela, kay Ms. Taleon ka.

Ms. Darcy, kay Ms. Amadeo ka.

Mr. Lance, kay Ms Dorado ka.

Ms. Mean, kay Mr. Yao ka.

Ms. Elena, kay Mr. De Guzman ka.

Mr. Yuri, kay Ms. Alaya ka.

Ms. Joyce, kay Ms. Villanueva ka.

Mr. Leo, kay Ms. Palacol ka.

At ikaw.. Mr. Sy, kay Ms. Lopez ka.

Sila yung bahala sa inyo. Sila ang bahala kung paano nila kayo itetrain. Ok. Since, may 10 minutes pa tayong natitira. You can go to your respective partners.”

O>O Si… Alisa ang partner ko? Tiningnan ko siya. Alam kong nagulat din siya. Yung ibang trainor pumunta na sa mga tuturuan nila. Tss. Si Alisa naka-stay lang sa kinauupuan niya. Ayaw yata akong puntahan. Tss. Wala akong nagawa kundi ako na lang ang pumunta sa kanya.

“Hi.” Sabi ko pagka-upo ko.

“H-Hello.” Sabi naman niya na parang nahihiya.

“Hmmm, may problema ba?” Tanong ko naman.

“W-Wala ah. Hehehe.” Sabi naman nito.

“Bakit parang nahihiya ka? Parang hindi magkakilala ah!” Sabi ko sa kanya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now