I'm Married ♡: Chapter 82.1

4.5K 78 4
                                    

Chapter 82.1

Austin’s POV

“Not now Hannah.” Sagot ko pa din sa kanya. Kinukulit nya kasi ako ngayon. At kanina pa sya kaya iritang-irita na ako. Mainit pa ang ulo ko dahil parang nawala na sa akin si Alisa. Ewan ko ba pero ayun ang pakiramdam ko. Feels like, I lost her.

Inilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko. Mga konting inch nalang siguro ang pagitan ng mga mukha namin, “Why you’re face like that? One month nalang ang itatagal ng pagshoshooting natin, dapat masaya ka. Ayun ang gusto mo hindi ba?” She smirked.

Anong magagawa ko kung gusto ko na talagang matapos ang movie na’to. Dapat ilang months bago matapos ang pagshoshoot nito. Pero dahil sa Professional naman kaming dalawa ni Hannah at sanay na ganto, napapabilis naming dalawa.

Sinuntok naman nya ako ng mahina, “Wag mong sabihin na si Alisa na naman ang dahilan? Haha!”

Naalala ko tuloy ang sinabi nya sa akin last time ----

“Wait! Did you just found out your girlfriend cheating on you already?”

“Hannah, yung sinabi mo sa akin last time na… Na niloloko ako ng girlfriend ko. I mean ni Alisa. Ano yon? Anong meaning nun? May alam ka ba?” Dire-diretso kong tanong.

Tinititigan nya ako sa mata, “Ano ba sa tingin mo ang babaeng may boyfriend pero kung makapagyakapan, makipaghalikan at makipagholding-hands sa ibang lalaki? Isn’t that called, cheating?”

“Austin, I like Ivan. I’m like a stalker. Madami akong mata Austin. Madami akong proweba ng lahat ng sinabi ko. Alam mo ba na they went to beach together? Hindi di ba? Alam mo ba na magkasama sila noong isang linggo ng buong gabi sa Armada Hotel?” Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi ni Hannah, “Seems like wala ka ngang kaalam-alam.” Naka-ngiting sabi nya. Napayukom ang palad ko.

She crossed-arm, “Hindi lang ikaw ang nasasaktan Austin. Me too. Kay Ivan ko lang naramdaman ang ganito. Weird nga dahil kakakilala pa lang namin sa isa’t isa. Pero sure ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na si Ivan.”

“B-Bakit n-ngayon mo l-lang sinasabi sa akin!?” Gigil na gigil ako. Pakiramdam ko, anytime sasabog ako sobrang galit.

“S-Sorry. Akala ko kasi magagawan ko ng paraan. Pero mukhang malabo na dahil mas unti-unti na silang napapalapit sa isa’t isa.”

Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi ko mapipigilan ang sarili ko ngayon, “Austin.. Tapatin mo nga ako… Kayo ba ni Alisa? Mag-boyfriend at girlfriend lang ba kayo? Or… H-higit pa dun?” Tanong nya sa akin.

“Anong ibig mong sabihin?” Na-weirdohan kasi ako sa tanong nya.

“Are you guys are live-in partners?” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

“H-Hindi!”

“Really? Eh bakit iisang bahay lang ang inuuwian nyo?” Bulong nya sa akin.

“Coz’ they’re married.”

Nanlaki ang dalawang mata namin ng si Manager ang bumulong kay Hannah.

Napatakip ang kamay ni Hannah sa bibig nya,”T-Totoo ba?!” Tanong nya sa akin.

Napatango nalang ako. At bigla namang lumawak ang ngiti ni Hannah, “Kung kasal na kayo. It means, wala silang pag-asa ni Ivan? Hahaha! Yes!” Kanian alng gulat na gulat sya. Tas ngayon sobrang saya nya.

Napa-iling nalang ako. Hindi ako sigurado kung wala na ba talagang pag-asa. Dahil once na bumalik ang alaala nya, baka mawala sya sa akin.

**

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now