I'm Married ♡: Chapter 64

4.8K 87 2
                                    

Chapter 64

 

Alisa’s POV

On the way na kami sa mall kung saan gaganapin ang prescon/interview sa amin ni Austin. Nakakakaba talaga ng sobra. Dahil yung interview na gaganapin ay ibinalita kagabi at talagang top news sa internet dahil sa sobrang tagal ng pahinga ni Austin sa acting and singing career ay ngayon na lamang sya gumawa ulit ng prescon/interview. I think live ang gagawing interview. Sa mall gaganapin dahil ie-endorse nya din dito sa mall yung new latest na damit sa bench.

Hinawakan nya ang kamay ko, “Still nervous?” Tanong nya sa akin habang nagdadadrive sya.

“Hindi naman masyado.” Sagot ko naman. Pero sa totoo lang, pakiramdam ko mapapaihi na ko sa sobrang kaba.

“Don’t worry. Kasama mo naman ako.” Sabi naman nito.

Nginitian ko lang sya. Kasunod ng sasakyan namin ang sasakyan nina Luke. Kasama nito si Kyla. Ewan ko ba pero parang may iba na dun sa dalawa eh. Parang aakalain mo na couple sila. Hayyy. Ewan. Hindi na kasi ganun ang trato ni Luke kay Kyla tulad ng dati. Kumbaga ngayon ay gentleman na.

//

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! Ayan na si Austin!!!!”

 

Napakalas na sigaw ng maitigil naming ang sasakyan. Kahit nasa loob kami ng sasakyan, rinig na rinig pa rin ang mga hiyawan sa labas. May mga bodyguards na lumapit sa amin kung hindi ak onagkakamali ay mga bodyguards rin na nakikita ko noong nasa hospital ako.

“Oh god!! Verena!!!”

“Yung babae nahimatay!!!!!”

“TULUNGAN NYO!!!”

“AYAN NA SI AUSTIN EH!!!! UWAAAAAA!!

“I LOVE YOU AUSTIN!!!”

Oh god. Nahimatay? Grabeh naman. Unang bumaba si Austin ng sasakyan at pinagbuksan naman nya ako ng pintuan. Nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko at bumulong, “Ready?”

Napatango lang ako. Dahil mas lalo akong kinabahan lalo na’t ang mga mata ay nasa akin. Lalo na’t ng mga mata ng mga babae. Yung iba, naka-ngiti sa akin at yung iba naman ay halos bumusangot na ang mukha. Napatungo nalang ako. Hindi ko naman kasi inaasahan ang gantong pangyayari ng ikasal ako kay Austin.

**

*CLICKED*

*CLICKED*

Kahit saan ako lumingon, puro flash ng camera ang makikita at maririnig ko. Okay lang ba kaya ang suot ko? -> picture on the right side

Simple lang ang dress ko. It’s plain white dress that has curly strap on the right side. Pero alam ko naman na lutang kaputian ko dito. Hahaha! Chos. Pati ang buhok ko parang pinulupot lang at inilawit ang konting hibla ng buhok ko. At syempre, bagay pa rin sa akin. Hehe.

*CLICKED*

Hayy. Ganto pala talaga kasikat si Austin. I didn’t expect this. Sobrang dami nyang fans.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now