I'm Married ♡: Chapter 84.3

6.5K 108 4
                                    

Chapter 84.3

 

Alisa’s POV

 

“Ma, pwede naman pong wag na.” Pagpipilit ko kay Mama. Paano ba naman gusto nyang mag-debut ako! Eh 2 weeks nalang kaya bago ang birthday ko! Di na kaya.

“Napaghandaan na namin ng Dad mo at ng Tita Angel mo yan. Tinatanong ko lang kung sang-ayon ka ba. Dahil gown mo na lang naman ang problema dahil hindi ka pa nasusukatan.” Sabi nito sa akin.

“Ma, nag-abala pa tuloy kayo. Dapat ininform nyo po muna ako.” Sabi ko dito. Balak ko kasi na yayain si Austin na magpunta kaming Baguio sa birthday naming dalawa! Yung kami lang dalawa? :’33

“Alam naman namin na papayag ka.”

“Sige. But -- Isang kondisyon.”

*Hinga ng malalim*

“Ivan would be invited.” This is the only time I can talk to him.

//

“Buti dumating ka.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin at umiwas ng tingin. Pilit nya kasing tinatago ang maliit na pasa sa may labi nya. Napabuntong-hininga ako at napa-iling nalang.

**

“Ivan…” Tawag ko sa pangngalan nya habang nagsasayaw kami. Kakatapos lang naming magsayaw ni Austin. Saglit nga lang kami nakapag-sayaw dahil para sa kanya mas importante pa din na mas makapag-usap kami ni Ivan ng mas matagal.

This time, humarap na sya sa akin. Kanina pa kasi sya nakalihis ng tingin, “Bakit hindi ka na halos napasok ng mga klase mo?” Tanong ko sa kanya. Magkatitigan lang ang dalawa naming mata.

Ilang sandali lang ay lumihis na naman sya ng tingin, “Nag-iisip lang ako.” Sagot naman nya sa akin.

“Galit ka ba sa kin?” Dahilan para humarap na sya sa akin.

“H-Hindi. Bakit naman ako magagalit?” And this time, binigyan nya ako ng isang ngiti.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinandal ang ulo ko sa may balikat nya. Baka last na’to. Nilagay nya ang kamay nya sa may likod ko at ang isang kamay ay nasa may bewang ko. Nakapulupot naman ang dalawa kong kamay sa may leeg nya.  

Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin. Pero eto lang ang alam kong pwedeng gawin para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ni Ivan. Hindi ko na maaari tong gawin pag kinasal na talaga ako.

Patuloy pa din kami sa pag-sayaw. Halos lahat ng bisita ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Ivan. Napatingin ako sa gawing kanan kung nasan ang barkada. At nakita ko si Austin na -- naglalakad palayo.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now