I'm Married ♡: Chapter 13

9.1K 161 8
                                    

Chapter 13

Kyla’s POV

“Teka, paki-ulit? Kayo na ni… Ivan?” Gulat kong tanong kay bestfriend. Sila na? P-Paano? Eh alam naman ng buong campus na si Ianne ang talagang mahal ni Ivan. Wait. Did my bestfriend chose to be a re----- NO WAY.

“Oo. Kanina ko pa sinasabi sayo eh. Kagabi lang.” Sabi nito.

“Wait, alam nating LAHAT na si Ianne ang mahal ni Ivan. P-Pero….p-paano naging k-kayo?” Tanong ko ulit dahil sobra akong naguguluhan.

“Kagabi. Basta. Nakahanap na kasi ako ng tyempo para sabihin sa kanya nararamdaman ko. Eh naglakad sya palabas ng school. Malamang sinundan ko. Nalaman ko na pumunta na naman sya sa bahay ni Ianne. At yun, nasaksihan ko ang mga pangyayari. Pinanood ko muna sila bago ako lumapit. Kahit ako, nasaktan at naiyak ako sa mga binitawang salita ni Ianne at Ivan sa isa’t isa. Grabeh, ang swerte ni Ianne. Nasa kanya na ang lahat. Pinag-aagawan sya. Kung nandun ka, iisipin mo talaga na para kang nanonood ng korea novela dahil saktong iyak ko at ni Ivan ay sya mismong pagbuhos ng ulan. Blah blah blah. Tas yun, tinanong nya kung kami nalang. Bestfriend, malamang hindi ako tatanggi! Grasya yun!” Sabi nito.

“In short, pumayag kang maging rebound?” Tanong ko.

“Ha? Ah…yun ba? Wala naman syang nabanggit na ganun nga. Pero, siguro nga… Hmmm. Oo. I chose to be a rebound. Wag kang mag-alala bestfriend! Gagawa naman ako ng paraan para mahulog sya sa kin! ^___^” Sabi nito na sobrang saya.

“Basta, andito lang palagi ako ha. Pag nag-away kayo ni Ivan, tawagan mo ko at reresbakan ko.” Sabi ko naman. Aba, mahal na mahal ko yata ang bestfriend kong to.

“Hahahaha. Wag naman. Mahal ko yun eh. Ang sweet nga eh. Hinatid pa nga ako kagabi sa bahay eh. Tas kaninang umaga, sinundo pa ko. Ang sweet. :”>” Sabi pa nito na sobrang kinikilig.

“May holding-hands?” Tanong ko.

“Syempre…..wala. Ano ka ba bestfriend!” Sabi nito na bigla namang sumimangot.

“Wala? Eh anong nangyari nung magkasabay kayo sa paglalakad kanina? Naiingit nga sayo yung mga girls kanina eh.” Sabi ko. Oo, kaya nalaman kong magkasama si bestfriend at Ivan dahil sa mga tsismosa na babae dito sa room.

“Wala lang. Magkasabay lang. Nakakailang kaya. Saka, first bf ko kaya.” Sabi pa nito.

“Alisa!!” Sigaw ni Venice.

“Hmm?” Sagot naman ni bestfriend. Si Venice kasi ang president ng class namin na sobrang patay na patay kay Ivan. Parang si bestfriend lang. At syempre, kasunod nya ang mga alipin nya. Sina Kaye, Christine, Jane, at Mandy. Sila ang tinatawag na B.I.T.C.H (Beautiful individuals that create haters).

“Totoo ba ang naririnig ko?! Na magkasabay kayo ni Ivan ko?!” Sigaw nito kay bestfriend na naka-cross arms pa.

“Ha? Ah…yun.. Oo.” Sabi ni bestfriend.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now