I'm Married ♡: Chapter 84.1

5K 91 6
                                    

Chapter 84.1

 

 

Austin’s POV

 

 

Nag-aayos na ako ng mga maleta ko. I book a flight tomorrow morning. The annulment papers? Hindi ko alam. Saan ko ba nahugot yon? Nabigla lang siguro ako. Hindi ko pinagiisipan ang mga bagay-bagay. Kung dumating talaga ang annulment papers bukas, bahala na.

Pero, sigurado na talaga ako na aalis ako bukas. Wala na naman akong maiiwan na trabaho dahil kakatapos lang din ng shooting ko sa bagong movie ko. Kailangan ko to. Kailangan kong makapagisip-isip.

Napa-upo ako sa kama ko. Tama ba ang desisyon ko?

Humiga ako sa kama ko at pinatong ang kamay ko sa noo ko. Palagi nalang akong ganto. Pag hindi ko na kaya ang isang problema, tinatakasan ko. Eto ang pinaka-ayoko sa sarili ko. Bakit na ang bilis kong sumuko sa isang bagay? Ganto rin ako di ba? Sumuko din ako kaagad sa paghahanap kay Caitlin.

Ipinikit ko ang dalawa kong mata.

Hanggang dito nga lang siguro tayo Alisa.

 

 

 

Hanggang pangarap nga lang ako sayo.

 

 

*TOKTOK*

Napatigil ako sa pagmumuni ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad akong napa-upo sa kama at tila iniisip kong sino ang maaaring nakatok.

*TOKTOK*

Si A-Alisa kaya?

Dali-dali akong nagtungo sa may pintuan at hindi ako nagkamali. Tumambad sa harapan ko si Alisa. Mukhang kakagaling nya lang sa iyak. Kaagad nya akong niyakap.

“Alisa…” Hinawakan ko ang likod nya.

“Sorry Austin. Sorry sorry. Ang laki ng naging kasalanan ko sayo. Sorry sorry.” Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin, “Hindi na si Ivan ang mahal ko. Ikaw na ang mahal ko. Sorry kung nanlamig ako sayo. Nagtatampo lang ako dahil bakit nilihim mo ang lahat sa akin. Hindi ako galit. Hindi ko kayang magalit sayo. Mahal kasi kita.” Napa-ngiti ako sa mga salitang binitawan nya.

Binalikan ko din ang yakap nya sa akin at hinalikan ang buhok nya, “Ako dapat ang humingi ng sorry sayo. Pinagkait ko sayo ang mga magagandang alaala mo na meron ka. Naging unfair ako sayo. Sorry. Ayoko na kasing masaktan ka, at sya na naman ang dahilan. Gusto ko na ako na ang makakapagpasaya sayo. Gusto ko na bubuo ka ulit ng memories. At yun ang memories nating dalawa. Yung tayong dalawa lang.” I locked her between my arms.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now