I'm Married ♡: Chapter 81.3

4.3K 74 2
                                    

Chapter 81.3

Author’s Note: Owkeeey! Back to Alisa & Ivan. Ilang chapters na lang siguro at matatapos na ang I’m Married. Maraming salamat po sa mga nagbasa. Ang akin pong karanasan ay nasa High School Days ni Alisa. And the incident, amnesia, marrying the teen-age pop star and chuva ek-ek, syempre, imahinasyon ko na yun! Obvious naman hindi ba? Haha!

IVAN AND ALISA SPECIAL CHAPTER

Umupo ako sa upuan kung saan wala masyadong tao. Nauna muna ako kina Aaron at Josh. Iniintay ko sya. Para sa kanya ang magiging laro ko.

Napapikit ako at binalikan ang mga nangyari 1 week ago.

-Flashback-

Nagising ako na may nakahiga sa may dibdib ko. Napa-ngiti ako dahil alam kong si Alisa ang katabi ko. I stayed still. Lulubus-lubusin ko na ang mga oras na kasama ko sya.

I played her hair. Never ko kasing nagawa to sa buhok nya. Ang dami kong mga bagay na gustong gawin sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na talagang mahal ko sya. Walang pustahan, paglalarong magaganap. Basta mahal ko sya. Mahal na mahal.

“Hmm.” Naramdam ko ang pagkilos nya. Napatigil ako sa paglalaro sa buhok nya. Hinimas-himas ko naman ang ulo nya.

Sisilipin ko sana kung gising na sya. Pero bigla syang nagsalita –

“I’m dreaming of that you doing that to my hair before. Before.” Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib sa sinabi nya. Hindi pa din sya naalis sa pagkakahiga sa may dibdib ko.

“Alisa…”

“Hm?”

“Let’s stay still. Ganto muna tayo.” Sabi ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot at sinunod lang ang sinabi ko. She stayed still. Pinagpatuloy ko pa din ang paglaro sa buhok nya. Hindi ko na alam kung kailan pa mangyayari ang ulit ng to.

“Ivan. May hiling sana ako sayo.”

“Ano yon?” Kung ang paglayo ko sayo ang tinutukoy mo, hindi. Hindi ko magagawa yun.

Huminga sya ng malalim, “Sana tayong dalawa lang ang muna ang makaalam na bumalik na ang lahat ng alaala ko.” Inangat nya ang ulo nya. Parang sinasbai ng mata nya na ‘Please.’

Tumango lang ako. Bumalik sya sa pagkakahiga sa may dibdib ko, “Pero bakit?” Tanong ko sa kanya.

“May gusto lang akong gawin. I want to hear from him. I want to hear na kasabwat din sya. I want to hear everything from him.” Nag-iba ang tono ng boses nya.

“Kung yun ang gusto mo. Sige, itago muna natin sa kanila.” Naka-hinga naman ako ng maluwag dahil buto na lang mali ang iniisip ko.

“At isa pa… A-After this, p-please… Wag muna tayong mag-sama. Give me time to think.”

-End of flashback

1 week na nya din akong iniiwasan. 1 week ko na syang sobrang namimiss. Kahapon ko lang sya last na nakausap. At yun ay pilit pa. At sobrang hirap na hirap akong maka-usap sya dahil patuloy pa din ang pag-iwas nya sa akin.

“Fine. Pupunta ako.”

Salitang sinabi nya bago sya maglakad papalayo. Nabuhayan ako sa sinabi nya.

And I’m really holding that words she said.

Ang kailangan ko lang gawin ay ang mag-intay. Panahon na para ako naman ang mag-antay sa kanya. Mas matagal naman na taon ang pag-aantay nya sa akin. She almost waste her High School days/life on loving me secretly. Panahon na siguro para ako naman ang mag-antay.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now