I'm Married ♡: Chapter 30

8.6K 145 5
                                    

Chapter 30

 

Alisa’s POV

 

“Aus, freestyle ba ang suot?” Tanong ko sa kanya.

“Oo daw eh. Sa school nalang tayo magpagpapalit ng uniform.” Sabi nito.

“Ah.” Tipid kong sagot at pumasok na sa kwarto ko para maghanap ng damit na pwedeng isuot. Maaga pa naman. Makatulog muna ng 30 minutes.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama, hindi ko alam pero kada napapaisip ako. Pakiramdam ko talaga, parang… Ewan. Basta may iba akong nararamdaman. Feeling ko, may kulang.

*TOKTOK*

“Pasok.” Sabi ko, “Oh Austin, papasok na ba agad tayo? Maaga pa ah. 9am pa ang start ng klase natin.” Sabi ko.

“Alisa…sya nga pala. Binili kita ng cellphone.” Sabi nito at umupo sa may side ng kama ko.

“Ah. Nag-abala ka pa.” Sabi ko sa kanya.

Inabot nya sa kin yung isang box na ang laman ay cellphone.

“Binili ko yan kahapon nung natingin-tingin kayo ni Kyla ng mga damit. Nagustuhan mo ba?” Tanong nya sa akin.

“Oo naman. Ang cute oh. Pink yung case. Hehe.” Sabi ko naman.

“Ah nakalimutan ko. Eto yung accessory na binili ko sa phone mo. Letter A, means Alisa.” Kinuha nya yung phone at kinabit ito sa new phone ko.

“Bestfriend!!! Bakit domo sayo? Ang childish mo po! Akin letter I. :P”

 

 

Hindi ko alam pero… tila may nagsalitang boses sa utak ko.

“A-Alisa, okay ka lang?” Bumalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Aus.

“Ah. Oo. Hehe. Salamat dito.” Sabi ko, “Hmm, sige, liligo na ko.” Sabi ko sa kanya at tumayo na ng kama.

“Sige.” Sabi naman nito at lumabas na ng kwarto ko.

                                                                   ****

“Napag-antay ba kita ng matagal?” Tanong ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan.

“Hindi naman. Halika na.” Nakangiti nyang sabi sa akin at lumabas na ng bahay.

*Sa sasakyan……

“Magkaclassmate kayo ni Kyla.” Sabi nya sa akin.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now