I'm Married ♡: Chapter 71

4.3K 72 0
                                    

Chapter 71

Ivan’s POV

Alexander Zeus Quinn nga pala. Class A: Engineering.From Kingston University.”

Alexander Zedrick Quinn din nga pala. Class A: Engineering. From Kingston University.”

Tama! Nakalaban na rin naman sila noon! Una silang naglaban ng Miller University pero natalo sila. Kaya kaming dalawa ng Miller University ang nagkalaban noon.

“Simula ngayon, itrato sila na talagang kabilang nasa atin. Makakasama na rin sila sa ating training mamaya.” Sabi naman ni Coach.

“Sir.” May nagtaas naman ng kamay. Si Aaron pala.

“May katanungan ba, Mr. Santiago?”

“Kailan po ang inuman natin?” Tanong nito.

“Hahaha! Oo nga Sir! Nakalimutan nyo na yata!” Dagdag pa ng isa naming ka-team. Oo nga pala. Minsan kasi nagkakatuwaan/inuman kami. Lalo na’t pag may may birthday sa isang ka-teammate.

Tumawa naman ito, “Siguro.. Bukas? O sa isang araw?”

“Promise nyo yan Coach ha!” Sabi naman ni Vince. Palibhasa, gustong uminom ng gagong to para makalimutan ang problema sa lovelife nya.

“Oo naman. Kailangan kompleto tayo ha. Kasama na din dapat ang Quinn brothers.” Ngumiti lang sa amin si Coach at naglakad ng palayo.

“Yes!! Zeus! Zed! Sama kayo ha?!” Sabi ng isa sa mga kasamahan namin.

“Sure.” Sabay na sabi nito at sabay na ring tumayo at naglakad na ring palayo.

“Kamusta kayo ni Ianne?” Tanong ko kay Aaron habang naglalakad kami pabalik ng room.

“Mukhang malabo na.” Sagot naman nya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

“Anong malabo? Nakausap mo na ba? Nag-sorry ka na ba?” Sunod-sunod kong tanong. Hindi sila dapat sumuko lang ng dahil sa isang hindi pagkakaintindihan. Minahal ko si Ianne kahit papaano. Alam kong si Aaron lang talaga ang mahal nya. Nadala lang sya ng emosyon kaya nakapagdesisyunan nya ang isang bagay na hindi man lang iniisip mabuti.

“Hindi nga eh. Dapat nga kaninang umaga, kaya lang… kasama nya yung new transferee.” Sabi naman nito na malungkot ang mukha.

“Transferee? Sino?” Tanong ko. Ang dami rin kasing mga estudyante ang nagta-transferee dito sa Howard University. Buti nalang at hindi pa kami nakakapag-mid terms at finals. Kung di, di na sila matatanggap dito sa school naming.

“Si Alexander Zedrick Quinn.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad.

“Sino yun?”

“Ivan! May amnesia ka na rin ba?!! Kakapakilala lang nya kanina! Sya yung bago nating ka-teammate sa soccer!” Binatukan pa ko ng gago.

“Dapat sinabi mo nalang ng maayos! Hindi yung nambabatok ka pa! Tss!” Sabay himas ko sa batok ko.

“Kaka-transfer lang nagawa na agad ng gulo. Kaka-break lang kung sinong lalaki na ang kasama. Tss.” Sabi pa nito ng makarating kami sa classroom namin. Wala na naman kaming Prof?

 “Eh di bad shot na agad sayo yung isang Quinn?” Tanong ko naman sa kanya ng maka-upo kami. Umupo na kami malapit sa kinauupuan ni Josh. May nakaupo rin kasing mga babae sa inuupuan ko at inuupuan ni Vince. Hinanap rin ng mga mata ko si Austin. Pero, ni-anino nya. Hindi ko makita.

“Bad shot na bad shot. Gusto ko na ngang sapakin kanina eh.” Sabi naman nito.

“Hindi halata.” Sabi ko naman sa kanya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now