I'm Married ♡: Chapter 53

4.7K 90 2
                                    

Chapter 53

 

Austin’s POV

 

Bakit pa kasi katabi naming ni Alisa si Ivan eh. Nakakapanira talaga ng araw! Tss. Makatulog na nga lang. Sabay saksak ng earphone sa taenga ko. Sa totoo lang, wala naman akong pinapatugtog eh. Sadyang na badtrip lang talaga ako at kunwari na nageearphone para marinig kung anong maaaring pag-usapan nila Alisa at Ivan. Unti-unti na nga silang nagiging close eh.

“Alisa, earphone din tayo.” Sabi ni Ivan kay Alisa. Ay takte!

“Sige.”

Teka..Parang tumahimik. Intayin ko na lang na magsalita silang ulit.

Intay…

 

 

Intay…

 

 

Intay…

 

 

Pero.. Wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa. Kaya… binuksan ko na ang dalawa kong mata at…

Fvck.

 

 

Ivan’s resting on her shoulders. She’s staring at him. It seems like she’s criticizing Ivan. No. No. What if her memories came back?

No.

 

 

Hindi ko alam kung anong ginawako. Basta hinawakan ko nalang ang kamay nya and then, I closed my eyes. Naramdaman ko din ang pagkabigla nya sa pagkabigla kong hawak sa kamay nya. Wag naman sana nyang tanggalin. Don’t let go please.

 

Mas lalong humigpit ang pagkakapit ko sa kamay nya. Hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako sa kung anong meron kami ngayon. Nasasaktan pa din ako dahil kahit nawala na ang alaala nya, tadhana na mismo ang naglalapit sa kanilang dalawa. Nasasaktan ako dahil kahit anong gawinko… may mas puwang pa rin sa puso nya si Ivan.

Alisa’s POV

 

A-Austin… Napatingin ako sa kanya. Napakahigpit ng hawak nya sa kamay ko. Nakapikit langsya. Inayos ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko, and I fit my hand on his na dahilanan naman para imulat nya ang dalawa nyang mata. Di ko alam pero parehas kaming napangiting dalawa.

Uwaaa. Ano ba tong ginawa ko? =_= Why I’m letting Ivan rest on my shoulders while I’m holding hands with Austin? Ang kire ko yata. Tss.

I slowly remove my hand fitting on his and slowly removed Ivan’s head on my shoulders.

“Sorry.” Banggit ko at binalik ang earphone ni Ivan.

“Tutulog muna ako.”Sabi ko sa kanila at pumikit na.

Bakit ganun? Parang pakiramdam ko naiipit ako sa isang sitwasyon? Bakit parang nagkakagusto na ko kay Ivan? Kakakilala ko pa lang sa kanya. Pero.. Bakit ganun na kaagad kalakas ang impact nya sa kin? Ah! Onga pala. Something in my pasts that says I must’ve been liked him.

Teka… Like nga lang ba?

 

Aysh! Ewan! Makatulog na nga lang.

Ivan’s POV

 

 

That’s the first time… The first time I rested my head on her shoulders. Kakaiba ngayung feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Kung pwede lang na wag ka ng umalis sa ganong pwesto gagawin mo.

But..she slowly removed my head on her shoulders. </3

 

“Sorry.” Sabi nito at binalik ang isang earphone sa akin.

Tinitigan ko sya. Bakit ganun Alisa? Okay na eh. Maaari na ring bumalik ang alaala mo. Pero… Bakit? Pagkakataon na.

“Tutulog muna ako.”Sabi nito at pinikit na ang mata.

Binalik ko ang cellphone at earphone ko sa bag at iniwang bukas ito. Lagi naman akong ganto eh. Nakasanayan ko na na lagging iwang bukas ang bag ko.

Napatingin ako sa bintana at napapikit.

Hindi ko maiwasan ang hindi balikan ang mga nakaraan naming dalawa.

 

Ang nakaraang isang laro lang para sa akin.

 

Ang nakaraang wala akong ibang inisip kundi ang ikakasaya ko.

 

Ang nakaraang gusto kong balik-balikan and at the same time, gusto ko rin mabago.

 

Lahat nalang ng mga yun… Ay memories nalang.

 

Minulat ko ang dalawa kong mata. Nilingon ko sya at tinitigan. Kung hindik a kaya nagka-amnesia… Andun pa rin ba yung sakit? Magagalit ka ba sa kin? Kakamuhian mo ba ko? Mamahalin mo pa rin ba ako? At sa kabila ng lahat ng mga kasalanan ko sayo… Mapapatawad mo pa rin ba ako?

 

Alam ko… OO. Ganun mo ko kamahal Alisa di ba?

 

Mahal mo ko. Mahal na mahal.

 

At yun lang ang mga salitang panghahawakan ko sa huli.

 

Itatama ko ang lahat. Mahal na mahal kita Alisa.

 

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now