I'm Married ♡: Chapter 29

8.4K 158 3
                                    

Chapter 29

Austin’s POV

Mas pinili naming online exam na lang ang naganap para makakuha ng diploma si Alisa. Kaya kahit papaano, matulungan namin sya.Basta ipapahatid nalang daw nila ang diploma.

Habang nagluluto ako ng pang-gabihan namin ni Alisa. Hindi ko pa din maiwasan ang mag-isip. Paano pag nag-kita sila ni Ivan? Bumalik ba ang lahat ng alaala nya at maisipan nya ang annulment? Wag naman sana.

*Flashback

“Iho, mahal mo na ba ang anak ko?” Tanong ni Tita Allie sa kin.

“Opo, Tita. Sa picture ko pa lang po sya nakita. Na-inlove na ko sa kanya. Bakit nyo po pala natanong?” Tanong ko.

“Pwede bang igawa mo sya ng mga good memories? Yung kayong dalawa? Gusto kong makitang may nagmamahal sa anak ko.” Sabi nito sa akin.

“Gagawin ko po yun Tita. Pero, paano pag bumalik ang mga alaala nya?” Tanong ko.

“Iho, lahat ng bagay na pwede nyang maalala, isasaitapon ko na. Basta wag mong hayaang magtagpo sila ni Ivan.” Sabi nito.

“Opo.Hindi po ako papayag na magtagpo ang landas nila.” Sabi ko.

*End of flashback

Lahat gagawin ko para hindi magtagpo ang landas nila. Gagawa kami ng new memories. Gagawin ko ang lahat para mahalin nya din ako. Gagawin ko ang lahat para mag-work ang marriage na to.

“Aus, matagal pa ba yan?” Tanong nya sa akin habang nanonood naman sya ng tv sa may sala. Hindi ko alam kung saan nya nakuha yang “Aus”, but, I’ll think it’s cute calling me by that nick name.

“Saglit nalang to.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya.

“Ah.” Matipid nya lang sagot. Naninibago pa din sya siguro sa akin. Kakakilala nya lang sa akin 2 months ago.

Natapos akong magluto, kinain naman nya ang niluto kong crispy pata na ginawa ko. Nasarapan din naman sya sa ginawa kong desserts.

Sabay na din kaming pumanik sa itaas. Dun nalang kami siguro manonood sa sarili naming kwarto.

Papasok nasana sya ng kwarto pero pinigilan ko sya, “Alisa….”

“Hm?” Lingon naman nya sa akin.

“Ah… Ano… Hmmm. Good night.” Nauutal ko pang sabi.

“Ah. Hehe.Sige, good night.” Sabi nya at ngumiti lang ng saglit at pumasok na ng kwarto nya.

Bakit saglit pa lang tayo nagsasama, sobrang mahal na mahal na kita?

Ivan’s POV

“Sige na nga!Mag-enroll na tayo!” Sigaw ko dahil kahapon pa kami naiinis kasi dapat sabay-sabay kami ni Kyla dapat mag-eenroll dahil ayun ang napag-usapan bago mag-bakasyon.

“Sige sige.Dalian natin at baka madami ang nag-eenroll.” Sabi ni Ianne.

Sumakay na din kami sa sari-sarili naming sasakyan. Kami nila Vince at Josh ay may sari-sariling sasakyan.Syempre, si Ianne ay nakasakay sa kotse ni Aaron. Hindi ko alam pero masaya na ako kung anong meron sa min ni Ianne.

Alisa…. miss na miss na kita. Alam mo ba yun? Gumising kana….

Habang nagmamaneho ako papunta saMiller University para mag-enroll. May nakita akong isang sasakyan. Parang pamilyar…. Tinitigan ko muna ang sasakyang yun. Hindi ako maaring pwedeng magkamali, kay Kyla yun. Tinigil ko ang sasakyan ko sa likod ng sasakyan ni Kyla. Pero, nakita ko syang lumabas ng isang university-Howard university.Mukhang dun sya nag-enroll. May hawak siyang mga papers eh na kung hindi ako nagkakamali ay parang mga applications. May kasama syang lalakina medyo matangkad na naka-cap na parang pamilyar ang mukha sa kin…….at si….

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now