I'm Married ♡: Chapter 72

4.4K 77 4
                                    

Chapter 72

Alisa’s POV

“Ang ganda!! ^o^” Sabay takbo ko. Uwaaa! Ang ganda naman!

Iniwan naman namin ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan nya. Tiningnan ko ang buong paligid. Walang tao ang narito. Tanging kami lang ni Ivan. Sobrang tahimik. Ang sarap sa pakiramdam. Simoy ng hangin at ng mga alon ang iyo lang maririnig at madadama.

Ang galing naman pumili ni Ivan ng place na pwedeng puntahan. Feeling ko talagang makakapag-relax ako. Mga hanging nahampas sa mukha ko, pakiramdam ko nawala na agad yung lungkot ko.

Pinikit ko ang dalawa kong mata.

“Hello?”

“Alisa.. Sorry. Hindi yata kita masusundo. Kung masusundo man kita, baka mag-intay ka pa ng matagal. Sobrang busy lang talaga. Sorry. Sorry.”

“Austin!!”  Isang boses na babae ang narinig ko, “Coffee you want?”

“No, thanks. Umm, Alisa. I really need to go. Bye.”

“Ah. H-Hehe. G-Ganun ba? Sige. Uuwi nalang ako ---“

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya itong binaba.

Minulat kong muli ang dalawa kong mata, naluluha na pala ako. Bakit kasi ganto yung nararamdaman ko? Parang may mali. Pakiramdam ko, may iba pa syang pinagkakaabalahan.

“Natahimik ka?” Bumalik nalang ako sa ulirat ko ng tanungin nya ako.

Ngumiti ako, “Ang sarap pala dito.” Pagiiba ko ng topic. Ang hirap ngumiti, lalo na’t alam mong hindi ka naman talaga masaya.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang tanggalin ang suot nyang sapatos at hinawakan ng kaliwa nyang kamay ito. Hinawakan naman ng kanang kamay nta ang kamay ko at sinabing, “Sulitin na natin to.” Naka-ngiting sabi nya sa akin.

“Teka.. Saan tayo pupunta?!” Tanong ko sa kanya ng pinigilan ko sya sa paglalakad.

“Maglalakad lang tayo dun.” Sabay turo dun sa may tubig.

“A-Ano? Wag na.” Pero syang pilit pa rin nyang pag-higit sa akin.

“Please?” *puppy eyes*

>O<

KUWAIIII!!! Ang cute nya! *u*

In the end, napapayag nya ako. =_=

“Ang lamiggg!!” Sigaw ko ng mapaurong ako dahil sa sobrang lamig ng tubig. Parehas kaming nakayapak ngayon. Hawak hawak namin sa magkabilang kamay ang mga saplot namin sa paa. Magkahawak rin ang aming mga kamay.  Hindi ko kayang itabig ito dahil tila may napigil sa sarili ko. The truth is… I’m really comfortable having holding hands with him. I’m really comfortable being with him.

Sinusway-sway namin yung kamay namin habang naglalakad kami. Pakiramdam ko nga parang nasa isang teleserye/palabas kami. Dahil lahat talaga ng ginagawa ay perfect kumbaga. At talagang napapangiti kaming parehas kapag nagkakatinginan kami. Sa mga oras na’to, parang nakalimutan ko kahit papaano ang lungkot na nadadama ko kanina.

“Ang sarap sa pakiramdam.” Napatingin ako kay Ivan na nagsalita. Nakatingin lang sya isang diretsong direksyon, “Yung solo lang kita. Yung tayong dalawang lang. Yung pakiramdam ko, akin ka tulad ng dati.” Naka-ngiti nyang sabi habang patuloy pa rin kaming naglalakad sa may tubigan at magkahawak pa rin ang dalawa naming kamay.

“Ano ba tayo dati?” Lumihis ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, ayokong magtama ang mata naming dalawa. Ewan ko ba pero kada-mapapatitig ako sa mata nya. Parang nasasaktan ako. Minsan naman, nakakaramdam ako ng sobrang saya at pagbilis ng tibok ng puso ko. Kaya kahit ako, hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari sa akin. Lalo na’t pagdating kay Ivan.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now