I'm Married ♡: Chapter 69

4.3K 81 1
                                    

Chapter 69

 

Vince’s POV

 

Feelings to di ba? Madaling kalimutan? Kaya ko ba? Kahit isang araw ko lang sya hindi makita. Paunti-unti sigurong mawawala ito? Kaya naman siguro di ba?

Ano ba Vince! Kailangan mong mag-seryoso! Malapit na ang laban!

Wait.. Si Kyla yun ah!

Ng biglang….

“KYLA!!!!”

Nabitawan ko ang hawak-hawak kong bola. At agad na napatakbo papunta ka sa kanya.

“Ok ka lang?!” Tanong ko sa kanya.

Paano ba naman nadulas sya. Hindi ba nya nakita na may tubig sa nilalakadan nya? Tss.

“Arayyy! Yung pwet ko!” Pilit ko syang itinayo, “Waaaa! Basa! Kainis!” Basang-basa kasi ang likuran ng palda nya.

“Uwaaa. Kasalanan mo to.” Sasagot sana ako pero nakita ko ang malungkot nyang mukha.

“Pati yung form nabasa na din.” Sabay kuha nya dun sa basang papel.

“Halika nga.” Sabay hawak ko sa kamay nya at dinala sya sa boys locker room.

//

“HOY! VINCE ALEX ALMONTE! Ba’t mo ko dinala dito ha?!! May binabalak ka?!! Nako. Nako. Wag ka ng balak ituloy dahil maaga mong mamemeet si Santanas!” Eto na naman sya. Ang pagiging maingay nya. Eto rin ang isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sa babaeng to.

Inupo ko sya sa isa sa bangkuan dun, “Anong gagawin ko dito?!! Papanoodin kang magbibihis?!” Galit nyang sabi sa akin.

Inabot ko sa kanya ang isang paper bag, “Oh? Ano to? Anong gagawin ko dito?” Tanong naman nya sa akin.

Hindi ba nya naisip na regalo ko yun sa kanya?

“Blouse and short?” Sabi nya ng kuhanin ang nasa loob ng paper bag.

Nagkataon lang talaga na sumakto ang pagkakadulas nya kaya nabasa ang palda nya. Eh di at least may dahilan na ako para ibigay yun sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko sa kanya na talagang bumili pa ako ng regalo.

“Isusuot ko?” Tanong naman nya.

“Obvious naman di ba?” Sagot ko sa kanya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now