I'm Married ♡: Chapter 4

10.1K 206 12
                                    

 

Chapter 4

Ivan’s POV

 

Uwian na. Tumambay muna ako sa may kubo. Mga barkada ko may practice pa sa club pati si Ianne. Si Vince sa may Rondalla, guitarist daw siya. Si Josh naman, taekwondo. Si Aaron naman sa dance troupe. Parehas sila ni Ianne. Lahat naman kaming barkada ay basketball player pero bihira lang magkaroon ng training.

“Ano, kamusta ginagawa mong article?”

“Ikaw pala Alisa.” Sabi ko. Umupo siya sa tabi ko.

“Bakit parang ang lungkot mo yata?” Tanong naman nya na mukhang nag-aalala.

“Ah. Wala. May iniisip lang.” Sabi ko naman.

“Ah. Bukas may ----- Ay. Wala ka nga pala bukas anoh?” *pouts*

Aww. She’s cuteeeee.

 

Hindi. Hindi. Si Ianne lang. Si Ianne lang talaga.

 

“Oy! Ivan!” Sigaw naman niya dahil nahalata niya yatang napatitig ako sa kanya.

“A-Ah. Oh?” Sabi ko naman.

“Wala wala. Sige. Alis na ko!!!! ^_^” Sabi niya at nag-wave pa siya paalis.

Mga 30 minutes muna akong nag-stay sa may kubo. Mamaya pupunta na akong mapeh dept para sunduin si Ianne.

1 hour.. Kaya ko to. Konting tiis pa.

Another 1 hour.. Kaya ko pa.. Kaya ko pa.. Basta’t si Ianne ang iintayin ko.. Kakayanin ko.

Another 30 minutes.. I gived up. I can’t wait any longer.

Ako na lang ang tao dito sa building namin. Wala na ang mga estudyante dahil kanina pa ang uwian. Mas naunahan pa nga akong umuwi nung estudyante na kung umuwi ay pagabi na. Kaya naman pumunta na ako sa mapeh dept.

“Hmmm, yung drance troupe po?” Tanong ko dun sa isang teacher.

“Ah. Wala na. Kanina pa.” Sh*t. As in mapapa-sh*t ka nalang.

“A-Ah. Ganun po ba. Kilala nyo po ba si Ianne?” Tanong ko.

“Ah. Oo. Yung baguhan? Nako, umuwi na. Kanina pa. Bakit? May kasama ding dance troupe eh. Hinatid yata siya. Si Mr. Santiago yata yun eh.”

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi pwede.

 

“A-Ah. Sige. Salamat po.” Sabi ko at binilisan ang paglakad papuntang parking lot at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nina Ianne.

 

Bakit sila magkasama? Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko.

 

Isang lalaki at isang babae ang natanaw ko sa labas ng gate. Alam kong si Aaron at si Ianne to. Tinigil ko ang sasakyan ko sa may part na madali na lugar para hindi nila ako makita.

Mukhang seryoso ang usapan nila. Nakita kong hinawakan ni Aaron ang kamay ni Ianne at hinalikan ni Aaron si Ianne sa pisngi.

Hindi na ako nakapagpigil at bumaba na ako ng sasakyan at sinugod si Aaron ng suntok.

“AARON!! Ugh!”

*BOSGH*

“IVAN!!!!” Sigaw ni Ianne habang ako patuloy pa din sa pagsuntok kay Aaron.

“Tangna pre! SHOTA KO YAN!!” Sabay suntok ko pa din sa mukha ni Aaron.

“IVAN!!!! TAMA NA!!!!!!” Sigaw ni Ianne pero hindi ko ito pinansin. Sinubukan niya akong ilayo kay Aaron pero pati siya natabig ko. “B-Babe, sorry.” Sabay tayo ko at pumunta sa direksyon ni Ianne.

“Babe, sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi ko na pilit na niniyakap sya.

Agad itong umiwas, “IVAN , let’s break up. Mahal ko pa din si Aaron.” Sabi nito.

Natigilan ako sa narinig ko. Gusto kong umiyak. Pero, ayoko. Baka akalain nila bading ako. Pero, mahal ko talaga. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala talaga ako.

“Ivan, sorry.”

“Pre, sorry.”

“TANGNA! WALA PA TAYONG 1 MONTH PERO BAKIT GINAGO MO NA KO?!!!! AT SA BESTFRIEND KO PA?!!!” Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit.

“Wala talaga kong balak paabutin ng 1 month. Dahil kahit anong gawin ko, si Aaron pa din. Kahit kasama kita, si Aaron pa din ang iniisip ko. Bakit? Kasi all this time… siya naman talaga yung mahal ko. S-sorry Ivan. Hindi ko na lang kayang itago pa sayo. Ayoko lang kitang masaktan.” Sabi nito.

“IANNE!!!! TINGIN MO BA HINDI MO KONASASAKTAN NGAYON?!!!! ANO AKO GINAWA MONG REBOUND?!!!!” Sabi ko sa kanya pero lumapit sa amin si Aaron.

“Pre ------“

“WAG KANG SUMABAT DITO AARON! NAGPARAYA AKO NOON. INIWAN MO SIYA. TAS BABAWIIN MO NG GANUN GANUN NA LANG?!!!”

“Sorry.” Ayun lang ang sinabi ni Ianne.

Tama na siguro ang mga narinig ko para umalis na ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak habang nagdadrive. Ngayon lang ako umiyak ng ganto dahil sa isang babae. Ngayon lang din kasi ako nagmahal ng ganto.

“UGH!!!!!!” Inihampas ko ang ulo ko sa manibela.

Bakit bestfriend ko pa?

 To be continued… 

**

AN: Ang ikli ng update! Sorry! ^^ :D Hehe. Dedication to her -> Grabe na po kasi ang suporta nya sa sa I'M Married kahit simula pa lang. :))) Haha. Yun lang po! ^^ 

 

I'm Married ∞ | ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum