I'm Married ♡: Chapter 80.2

4.4K 87 7
                                    

Chapter 80.2

Alisa’s POV

“Anong ibig nyong sabihin?” Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang mga luha na meron ang mata ko. Hindi ko akalain na mismong mga magulang ko nagawa ito sa akin. Ang itago ang lahat na meron ako noon.

“Ngayong alam mo na na din naman ang lahat. Mabuti pang malaman mo na din ang kasal na meron kayo ni Austin.” Nagulat ako ng banggitin ni Dad ang pangngalan ni Austin.

“Bakit Dad? Anong meron sa kasal namin? Did you planned it?” Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas lahat ng galit. Pero hindi ko magawa. I’m not it the right state of mind lately kaya napagtaasan ko sila ng boses.

“The marriage? Maybe, yes. Maybe, no. Sya ang humiling nun. Ang gusto lang namin ay relationship, not marriage. San ka makakita ng lalaki na nakita lang ang mga pictures mo gusto ka ng pakasalan?! Hindi na kami nagdalawang-isip na hindi pumayag. Alam namin na aalagaan ka nya. Hindi tulad ng lalaking yan! Ginawa mo na ang lahat pero hindi ka pa nagawang mahalin!” Parang sinaksak ng sampung patalim ang mga sinabi sa akin ni Dad. Anong magagawa ko? I was blinded in love before!

Napayukom ang palad ko. Pakiramdam ko, pinaglaruan ako at ginawang tanga. Hindi nila alam kung gaano ako ka-desparado para gumawa ng memories. Ilang beses na naghirap ako sa sobrang sakit ng ulo dahil gusto kong balikan lahat ng mga alaala ko noon dahil pakiramdam ko may naiwan akong isang bagay na nag-iintay sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na isang tao ang bagay na meron ako noon. Si Ivan.

The guy I cherished the most.

I clear my throat, “Hindi ko alam kung magagalit ba ko o hindi. Ngayong nagising na ko sa katotohanan… Ngayong nagbalik na ang mga a-alaala ko… Hayaan nyo muna ako. Hayaan nyo sanang magdesisyon ako para sa sarili ko. Ma, Pa, hindi nyo kasi masasabi kung saan ako sasaya. Hindi nyo rin masasabi kung kaninong tao ako sasaya. Dahil nasa sa akin pa rin ang desisyon sa huli. P-Please… Kung ayaw nyong dumating sa punto na sumunod ako sa yapak ni Kuya Allen. Lumayo ang loob ng panganay nyong anak ng dahil lang sa desisyong pang-sarili nyo.”

Tumalikod na ako sa kanila. I can’t see my parents on tears. Alam ko nasaktan ko sila. Pero hindi ba nila naisip na mas nasaktan ako?! I’ve been fooled. Napaniwala nila ako sa marriage na hiniling lang ng isang taong hindi ko naman kilala! Austin is a stranger to me before!!

“You okay?” Hinawakan ni Ivan ang kamay ko. Napatingin ako sa mata nya. Ang mga mata na isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Mga mata na sa sandaling sulyap lang noon ay halos mamatay na ako sa sobrang kilig.

Hindi ko sya sinagot at tumingin nalang sa may bintana. He started the car’s engine.

I closed my eyes,

~Who's gonna make you fall in love

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

Don't have to be scared at all, oh my love

But you can't fly unless you let ya,

You can't fly unless you let yourself fall.

A scene where he sings to me that song. Oh god, I want to see him. I want to go and talk to him. I want to hear everything from his mouth.

“Anong nangyari?” Tanong ko kay Ivan dahil tumirik ang sasakyan nya.

“Wait… Check ko lang.” Akmang lalabas na sya pero pinigilan ko sya.

“Use my umbrella.” Sabay abot ko sa kanya ng payong.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now