I'm Married ♡: Chapter 57

4.6K 95 3
                                    

Chapter 57

Alisa’s POV

Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi madala?

“I love you.” He said directly to my eyes. As he said those words, he continued kissing me. I’m giving back the kiss. Di ko alam pero, mahal ko na yata sya. Para ngang sng bilis ano? Ewan ko ba. Ganun ba ang love? Agad agad nalang nadating?

*TOK TOK*

Agad kaming napatigil sa pagkatok sa pintuan naming iyon. Nagkatinginan kami ng ilang segundo, “Sorry.” Nag-blush naman sya at agad na tumayo. Tumayo na rin ako at inayos ko ang sarili ko. Medyo nagulo rin kasi ang buhok ko. Sinundan ko naman si Austin na naglalakad papunta sa may pintuan.

*TOK TOK*

Sino kaya to? Wala naman kaming inaasahang bisita ah.

“Ma?”

“Mommy?” Sabay naming sabi ni Austin.

“Aww. I miss you my daughter.” Sabay yakap sa akin ni Mommy. Niyakap ko rin naman ito ng pabalik.

“Kamusta ka na? May na sakit pa ba sayo?”Tanong naman sa akin nito.

Umiling lang ako. “Good boy ba tong anak ko?” Tanong sa akin ni Tita Angel.

“Opo. Sobra sobra nga po kong alagaan nya ako eh. Hehe.”Sabi ko naman.

“Syempre naman. Mahal na mahal ka nitong anak ko eh. Hehe.” Sabi naman nito.

“Dad.” Sabi ni Austin na agad yumakap sa Dad nya.

“Daddy.” Ako rin naman ay yumakap din sa tatay ko.

“How’s marriage life my princess?” Tanong nito sa akin.

Nginitian ko lang si Dad. Niyakap din ako ng Dad ni Austin. Nakakagulat nga at dahil bigla biglaang pagbisita nila dito sa amin. At ang sabi pa nila ay dito sila magdidinner.

“Ang sarap Mommy! ^o^” Sabi ko habang kinakain yung fruit salad.

“Talaga anak? Luto namin yan ni Tita Angel. Masarap ba? Yaan mo. Dadalan ko kayo dito minsan.” Sabi naman nito.

Katabi ko ngayon si Austin. Ewan ko ba pero napapangiti kaming dalawa. Para kasing isa kaming buong pamilya ngayon sa hapag-kainan.

“Sorry ngayon lang kami nakadalaw. Alam mo naman.. Busy sa businesses. Tas ang kapatid mo, busy sa pag-aaral. Ang kuya mo naman, ganun pa din.” Sabi naman nito. Ganun pa din? Huh?????

Austin’s POV

“Salamat nga po pala sa pagdalaw.”Sabi ko kay Tita Allie ng maka-upo kami sa may maliit na table sa terrace ng bahay namin ni Alisa.

“Walang anuman yon iho. Kamusta ka? Nahihirapan ka ba?” Tanong nito sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang talagang ipinaparating ni Tita.

“Hindi po. Tita, our marriage is working.” Naka-ngiti ko pang sabi sa kanya.

“Good to hear that. Good thing at hindi pa sila nagkikita ni Ivan. May natanggap rin kasi akong balita naandito rin si Ivan sa Manila.” Natigilan ako sa narinig ko. Hindi lang yun. We’re in the same university po. Kapag sinabi ko, baka magalit si Tita. Ayokong sirain ang tiwalang meron sa akin si Tita.

“O-Oo nga po eh. Hindi naman po ako papaya na magkita silang muli.” Sabi ko naman.

Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko sya papakawalan.

Akin lang si Alisa.

~Howard University

“Si AUSTIN!!!!!”

“Ang pogi nya talagaaaa!! ^o^”

“Kung pwede lang angkinin eh di inangkin ko na!!”

“May girlfriend na kaya!”

“Asawa nga nasusulot, boyfriend pa kaya?”

“May new movie daw sya ano?”

“Oh myyy! Talaga?!! Excited na ko!!”

“Akin ka na lang Austin!!!!”

Sorry.. But, I’m TAKEN. ;)) And I already can call her MINE.

“Bestfriend!!” Napalingon kaming dalawa ni Alisa sa sumigaw. Si Kyla na natakbo papalapit sa aming dalawa.

“Bakit kayo absent ha? San kayo nagpunta? Di nyo man lang naisipang isama ako? Hmmf.” Sabi naman nito. Sorry Kyla.. Gusto ko lang namankasi syang maSOLO.

“Ah! Wala wala! Hehe.”Sabi naman ni Alisa.

“Alisa!!” Kilala nyo na kung sino yun. Si Ivan.

“Oh, ikaw pala Ivan.”Nginitian nya si Ivan.

“Bak-----“

“Halika na. Malelate ka na sa klase.” Sabay hawak ko sa kamay ni Alisa at lumakad palayo kina Ivan.

Austin, kailangan ka na dito. Punta ka na. ASAP.

Text na galing kay Manager. Hayy.Balik to career na naman ako. For sure, sunod-sunod na yan. Nakakapagod. Nakakairita. Ang oras na dapat inilalaan ko kay Alisa, dito mapapapunta.

May klase pa ko.

Yan nalang ang alam kong pwedeng idahilan. Saka, mas gugustuhinko pang mag-shooting ng mag-shooting kesa makita ang pagmumukha ni Ivan.

Napadala ko na ang excuse letter. Dapat nga wala ka na dyan ng first subject. Come on! Bilisan mo na. Andito na ang leading lady mo.

Ughhh! Lumabas na ako ng classroom. Tinext ko rin si Alisa.

May shooting ako ngayon ng new movie ko. Sunduin kita mamaya. Wait mo ko sa parking lot. Sabay tayong uuwi.

Naglakad na ako papuntang parking lot at sumakay nang sasakyan ko. 30 minutes sigurong makarating akos a building na kung saan ipapakilalalahat ng characters. Pagkapasok ko, lahat nakatingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at umupo nalang.

“Ok. Kumpleto na tayo. Bukas o baka sa isang araw na sisimulan ang new movie, title “My brother’s first love.” Sabi ng Director ng movie na gagawin ko.

“I’m Gwen Ramos as friend of Yumi in the movie.” Pagpapakilala nung isang babae.Yumi ang name ng bidang babae sa movie na to. Ganun rin yung ibang casts, nagpakilala na. Medyo madami-dami rin pala ang casts.

“I’m Eros Villanueva as Sean Trinidad, brother of Andre Trinidad.”

This time, ako naman ang nagpakilala, tumayo ako at nagsalita, “Austin Salvatorre as Andre Trinidad.” Sabi ko naman at muling umupo. Nakakatamad magsalita. Saka, paniguradong kilala na nila kung sino ako at kung ano ang gaganapan ko.

Pagkatapos ko, isang matangkad, maputi, brown/blonde ang buhok na babae ang tumayo at tinanggal ang black shades sa kanyang mata.

Wait… Is she?

“Hi. I’m Hannah Scott as Yumi De Los Reyes.”

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now