I'm Married ♡: Chapter 23

9.3K 182 7
                                    

Chapter 23

 

Ivan’s POV

“Ikaw si Ivan tama ba ko?” Tanong ng babaeng niyakap kanina ni Kyla.

“Opo.” Sagot ako. Kahit ako din, wala din ako sa sarili. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng to.

May inabot sya sa king maliit na box, “Dapat po si Ms. Alisa ang mag-aabot nyan sa inyo ngayong monthsarry nyo. Kaya lang po, eto nga, nangyari ang aksidente. Sya nga po pala.” Sabi nito at kinuha ang box na katabi nito.

Binuksan ko yung maliit na box. Eto yung kwintas na nakita ko sa mall nung minsang manggaling kami dun. Eto yung dapat na ireregalo ko kay Ianne sa birthday nya.

May inabot din sa king medyo malaking box.

October 13, 2010

Kinuha ko yung black ballpen niya. Aba, ang hirap makuha nyan. Pinanakaw ko pa yan kay Isabel (ka-classmate niya).

 

Jan. 25, 2011

Kinuha ko tong panyo nya. Waaaaaaah! Ang bango bango. :”>

 

July 22, 2011

Birthday niya. Nagkainan sila ng mga kaibigan niya sa mcdo. Yung ginamit niyang tissues at straw, eto na sa akin. ^___^

 

August 19, 2011

Varsity jacket naman nya yung kinuha ko.

 

August 24, 2012

Mahilig matulog si Justin. Eh kasabwat ko si Mrs. Ching. ;))) Pinakuha ko yung punda nun na hanggang ngayon ay never ko pang pinalabhan. <3333333

 

February 23, 2012

Eto yung bente pesos na binayad niya sa tindera sa may canteen na hiniling ko pa kay Ate na ayung benteng yun ang isusukli sa akin.

 

Nakadikit ang mga sticky note na yan dun sa bagay na alam kong akin. Yung ibang gamit hindi ko na matandaan. Ganun mo ba ko kamahal Alisa? Nakaramdam ako ng guilt. Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko.

“Alam mo, lagi ka nyang kinukwento sa kin.” Nakangiting sabi nito. Habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Alisa sa wallet nito.

Napatingin ako sa ring ko, mickey mouse. Couple ring namin to ni Alisa, sa kanya si Minnie.

“Sabi nya sa kin, mahal na mahal ka nya. Never daw syang susuko sayo. Naikwento nya nga din sa kin na kayo na daw. Kahit ako nabigla dahil ni-minsan daw di mo sya pinansin. Saka, naikwento nya din sa kin na may mahal ka daw. Akala ko nung una, rebound mo sya. Pero dumating yung time na sinabihan mo na daw sya ng ‘I love you’. Kung alam mo lang kung gaano ka-saya si Alisa nun. Never ko pa syang nakitang ganun ka-saya. Nasa diary nya nga yun eh. Try mong basahin para malaman mo kung gaano ka nya kamahal.” Sabi nito at may tumulo na ding luha sa mga mata nito. Napatingin ako sa maliit na notebook. Eto na nga siguro ang diary ni Alisa.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now