I'm Married ♡: Chapter 63

4.6K 79 0
                                    

Chapter 63

Vince’s POV

“Teka.. Nagseselos ka ba?” Tanong ko sa kanya. Sana oo.

“Selos?!! What?!! Hahahaha! Saan naman ako magseselos?!! Nagpapatawa ka ba?!! Hahaha!!” Tawa naman nya ng malakas. Ayy, akala ko pa naman nagseselos sya. :’(

Dahan dahan kong inalis yung pagkakahawak ko sa kamay nya, “Ah. Hehe. Bakit ka nga naman magseselos? Ang tanga ko talaga. Hahaha!” Tumawa pa ako. Hayy. Pero sa kaloob-looban, sobrang sakit pala. Bakit ba kasi napaka-torpe ko?Ilang taon ko ng itinatago to. Peron i-isang beses, wala akong mahanap na tyempo para umamin.

“Tanga ka naman talaga! Kaya wag ka ng magtaka! Tss. Pag hinanap ako no Prof. Bermudz, pakisabi umalis na ko! Ayoko kasing MAKAABALA sa mga naglalampungan sa SARILI nyang office.” Sabi nito at bigla akong inirapan. Naglakad na rin syang papalayo sa amin.

Hindi ba talaga sya nagseselos? Hindi ko alam pero napa-ngiti ako. Mukha kasing nagseselos sya. Mukha lang. Pero sana.. totoo.

“Abigail, aalis na rin ako ha?” Sabi ko naman kay Abigail na ka-classmate ko.

“Ha? Bakit naman? Eh wala pa si Sir ah?”

“Wala na si Kyla eh.

“Huh?”

“Ha?! Wala wala!! Sige, aalis na ko.” Sabi ko at lumabas na. Kaya lang naman ako pumayag kasi sa pagkakaalam ko, makakasama ko dito si Kyla. Sa roleplay na gaganapin. Sana nga kaming dalawa ang bida.

Naglalakad ako ngayon sa may hallway. At syempre,  halos lahat ng madadaanan kong babae lahat ng mata nila ay nakasunod sa akin. Ganun ako ka-gwapo. ;) Si Kyla lang naman ang hindi nagagwapuhan sa kin eh. =_=

Napatigil ako sa paglalakad, “Kanina mo pa ko sinusundan? Akala ko pumasok ka na sa next class mo?!” Sabi ni Kyla kay Luke.

“I just want to be sure kung saan ka ba pupunta.” Sabi naman nito.

Tangna. May gusto ba to kay Kyla?! Kung pagsalitaan nya noon si Kyla! Tas ngayon?!!! Sh*t.

“Kyla!!” Tawag ko kay Kyla dahilanan para mapalingon silang dalawa sa akin.

“V-Vince?”

“Hahatid na kita sa next class mo!” Sabay higit ko sa kanya palayo kay Luke.

Sana ganun kadali ang umamin.

Ang umamin sa kanya na mahal ko sya.

Minsan kasi, mas mabuti ng magmahal ng palihim at patago dahil kadalasan ang pag-amin ng nararamdaman ay simula ng pag-iiwasan.

Ivan’s POV

“We’re married. And yes, we’re living in the same house.”

“We’re married. And yes, we’re living in the same house.”

“We’re married. And yes, we’re living in the same house.”

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga salitang yun. Ilang beses kong nirereplay yun sa utak ko. Pero, hindi ko talaga maintindihan. Paano nangyari yun? In a relationship pa lang sila… Tas ngayon… Married na agad? Huh?

“Ughh!” Itinungo ko ang sarili ko. Kainis!! Bakit ba ang gulo gulo ng sitwasyon ko ngayon?! Ugh. Kailangan kong tanungin si Austin ang tungkol dito. Asan na ba ang gagong yun?! Kailangan kong maliwanagan.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now