I'm Married ♡: Chapter 80.1

4.4K 85 8
                                    

Chapter 80.1

Austin’s POV

“Alisa, andyan ka ba sa loob ng kwarto mo? Tulog ka na ba?” Katok ko sa kanya. Kakadating ko lang kasi galing sa shooting. Sobrang pagod na nga ang katawan ko. Gusto ko ng mahiga at matulog. Pero, gusto ko muna syang makita.

Walang nasagot. Baka tulog na nga sya. Tinary kong buksan ang pintuan nya. Pero, naka-lock ito. Ito ang kauna-unahang nag-lock sya. Dati kasi pag tulog sya, napasok ako sa kwarto nya ng mga gabi o madaling araw para lang bulungan sya kung gaano ko sya ka-mahal. Siguro pagod sya ngayon. Pero sa pagkakaalam ko, wala namang masyadong ginagawa sa school ah? Baka ayaw nya lang siguro maistorbo ang tulog nya ngayon.

“Alisa?” Katok kong muli sa pintuan nya. Hindi pa kasi sya nababa. Kanina ko pa sya inaantay na bumaba para kumain ng umagahan. Pero, 30 minutes na kung nag-iintay, wala pa ding Alisa na nababa.

“Alisa, late ka bang papasok ngayon?” Tanong kong muli. Pero wala na namang sumagot.

Nagpasya akong kuhanin ang susi ng mga kwarto rito. Kinakabahan kasi ako. Baka kung ano na ang nangyari kay Alisa sa loob.

“Alisa?” Tawag ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto nya.

Her bed sheet is fixed. Her uniform is not on her cabinet anymore. Even her bag is not on her table anymore. She went to school this early? And… Without me.

Napa-upo ako sa may kama nya. Parang kahapon lang okay kaming dalawa. Bakit naman ganto? Hinahatid ko naman sya tuwing umaga kahit may shooting kami mamaya. Hindi kaya’t galit sya sa akin dahil hindi ko na naman sya nasundo kahapon?

*Shake head*

Punta nalang muna siguro ako sa Howard. Kailangan ko syang maka-usap. Kung may problema, kailangan naming maayos to.

Dali-dali akong nagtungong sasakyan ko at pinaharurot ito.

“Si Alisa?” Tanong ko sa isa sa estudyante sa klase nya.

Medyo natulala pa sya sa akin kaya natagalan ang pag-sagot nya, “K-Kyla!!!! A-Asan si A-Alisa?!!” Medyo natatarantang sigaw naman nya.

“Sino? Si bestfriend?!!!” Dali-dali naman itong nagtungo papalapit sa akin.

“Oh, asan si bestfriend?! Di mo sya kasama?!” Kita sa mata nya ang pagtataka.

“Hindi eh. Mukhang nauna na syang pumasok.” Sabi ko naman sa kanya.

“Paano mangyayari yun?! Eh ang aga-aga ko dito! Hindi pa sya napasok. Baka naman may pinuntahan?”

Napa-isip ako, “Siguro nga. Pero kasi… Nagpapaalam sa akin yun eh.” Napakamot ako sa ulo ko.

*KRING*

“Baka si bestfriend yang natawag.” Sabi naman nito.

Kaya kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa may bulsa ko. Pero, nadismaya ako dahil hindi si Alisa ang natawag. Kundi ang manager ko.

“Where are you? Come now!”

Pagkatapos ay binabaan na nya ako. Napapikit nalang ako. I’m fucking stressed.

“Sige, mauna na ako. Text mo’ko pag nalaman mo na kung nasan si Alisa.” Sabi ko naman dito.

“Sige.” Sagot naman nya at muli ng pumasok sa classroom nila.

Malungkot akong sumakay ng sasakyan ko. Mukhang may problema kaming dalawa. Kung oo nga, ano naman yun? Wala akong matandaan na ginawa sa kanya.

“You’re late.” Bungad na sabi sa akin ni Hannah. Inaayusan na kasi sya ng make-up artist nya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now