I'm Married ♡: Chapter 45

5.4K 97 4
                                    

Chapter 45

Alisa’s POV

“Bestfriend! Ang tagal mo! Asan na si Austin?” Bungad sa akin ni Kyla ng makadating ako sa kitchen.

“Ah. Kakaalis lang. May photoshoots syang gawin. Wow! Ang sasarap naman yata ng pagkain. ^_^” Sabi ko naman na sobra sobra ng natatakam sa mga pagkain na nakahain.

“Syempre luto namin yan ni Aaron eh. Hehe.” Sabi naman ni Ianne. Ang girlfriend ni Aaron.

Umupo ako. Kaharap ko si Ivan. Pero, nagulat ako ng bigla syang mawala sa harapan ko at… Tumabi sa kin????

“Alisa, anong gusto mo? Ikukuha kita.” Sabi naman nito sa kin.

Tas tinuro ko yung pagkain na gusto ko. Kinuha naman nya ang mga iyon, “Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Eto pa rin ang mga gusto mong pagkain.” Nakangiti nyang sabi dahilanan para mapaisip na naman ako.

Habang nakain kaming lahat. Sa direksyon nya lang ako laging nakatingin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba talaga. May kakaiba akong nararamdaman sa tuwing makikita, o makakasama ko sya.

“Ianne, asan na nga pala si Kevin?” Tanong nung Vince kay Ianne.

“Ah. Pinatapon nila Mommy sa Italy.” Sabi nito.

“Oh, anong nangyari?” Tanong ng lahat.

“Nagawa kasi sya ng paraan para mapaghiwalay kami ni Aaron. Saka, sinisiraan nya si Aaron. Eh nagsumbong ako kina Mom at Dad. Eh botong-boto pa naman sina Mommy kay Aaron. Ayun, nagalit ito kaya ipinatapon sya sa Italy at dun na mag-aaral. Nakakamiss nga si Kuya eh.” Sabi naman nito.

Kevin? Parang pamilyar.

“Dapat lang yun sa kanya.” Napatingin kaming lahat kay Ivan na nagsalita, “Dapat lang na ilayo sya ng magulang mo. Dahil kung hindi, baka mapatay ko sya.” Sabi naman ni Ivan. Napatingin naman ako sa kanya. Parang… my kakaiba talaga.

Ivan’s POV

“Nagawa kasi sya ng paraan para mapaghiwalay kami ni Aaron. Saka, sinisiraan nya si Aaron. Eh nagsumbong ako kina Mom at Dad. Eh botong-boto pa naman sina Mommy kay Aaron. Ayun, nagalit ito kaya ipinatapon sya sa Italy at dun na mag-aaral. Nakakamiss nga si Kuya eh.” Sabi naman ni Ianne. 

 “Dapat lang yun sa kanya.” Sabi ko, “Dapat lang na ilayo sya ng magulang mo. Dahil kung hindi, baka mapatay ko sya.” Oo, kung hindi ako pumayag sa plano nya para lang maibalik sa akin si Ianne noon at para lang makipaghiganti sya kay Aaron, hindi to mangyayari. Hindi maaksidente si Alisa at hindi sya magkaka-amnesia.

“Ivan…” Tawag ni Kyla sa pangngalan ko. Tas umiling iling sya. Alam ko na ang ibig sabihin nya. Ang huwag banggitin ang mga nangyari noon dahil baka pilit alalahanin ni Alisa ito. Ayoko. Ayokong may sumakit sa kanya.

“Pagkatapos nating kumain movie marathon tayo! ^_^” Masayang sabi ni Kyla.

Nagsi-oo naman kaming lahat.

                                                                   ****

“Warm bodies? Wait.. Is this a zombie love movie?” Naiinis na sabi ni Luke ng makita ang dvd na isasalang ni Kyla.

“It is pretty obvious! Duh! Can’t you see on the dvd cover!?!” Galit na sabi ni Kyla dito.

“I prefer Wrong Turn 5.” Sabi nito.

Itsura naming lahat -> O.O

“Tss. A pervert like you.” Sabi ni Kyla na agad na sinalang na yung dvd.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now