I'm Married ♡: Chapter 60

4.7K 87 2
                                    

Chapter 60

Ivan’s POV

“Ano bang gusto mong mangyari? Ang bumalik lahat ng alaala nya? Para san pa Ivan? Hindi ka pa ba nakuntento na nasaktan mo na sya noon? Ivan.. Wala ring saysay kung babalik lahat ng alaala nya. Bakit? Lahat ng pagmamahal ng isang tao, may hangganan. Hindi lahat ng taong nagmamahal ng sobra sobra madadaan mo sa sorry at pagpapakitang tao Ivan. Kung hindi nangyari yung aksidente, mamahalin mo ba sya? Hindi naman di ba? Kasi Ivan… Lahat ng sinasabi mong pagmamahal na nararamdaman mo ngayon kay bestfriend... Ay kapalit lang ng pagmamahal nya sayo noon. Hayaan mo nalang na si Austin ang gumawa ng mga bagay na hindi mo nagawa sa kanya. Hayaan mo na silang dalawa. Wag ka ng humarang pa sa maaaring maging daan ni Austin papunta sa puso ni bestfriend.” Sa bawat mga salitang binitawan nya, syang dobleng sakit na nararamdaman ko.

Mahal ko si Alisa. Hindi dahil gusto ko lang ibalik lahat ng pagmamahal nya sa akin. Kundi natutunan ko syang mahalin.

Tinanggal nya ang pagkakakapit sa aking kamay at naglakad palayo, “What a dramatic scene.” Sabi ni Luke at naglakad na ring palayo.

Agad na rin naman akong naglakad para sundan si Alisa. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako susuko sa kanya. Mahal ko si Alisa. Mahal na mahal. Malaking pagkakatanga na ang nagawa ko noon sa pag-ibig. Kaya kahit ang babaeng nagmamahal ng sobra sobra sa akin, nasaktan ko. Wala akong ibang inisip kundi ang magiging kasiyahan ko. Ni-hindi ko man lang inisip kung may tao ba akong masasaktan ng sobra sobra. Napakalaki kong tanga.

Kung saan saan ko hinanap si Alisa. Hindi ko na rin nakita pa sina Kyla at Luke. Asan ka na ba Alisa… Takbo dyan. Takbo dito. At sa di-kalayuan, parang natatanaw ko sya. At hindi nga ako nagkakamali,sya nga yun. Nakaupo sya sa isang bench at nakatungo lang ito. Agad akong naglakad papalapit sa kanya.

Umupo naman ako sa tabi nya dahilanan para iangat nya ang ulo nya, “Bakit ba lagi nalang kayong nag-aaway ni Kyla?” Diretsong tanong nya sa akin.

“Away kaibigan lang yun.” Tas nginitian ko sya.

“Bakit parang ang lalim lagi ng pinagaawayan nyo? Hindi ko kayo maintindihan. Lagi nalang kayong ganyan. Lalo na kayo ni Austin. May dapat ba kong malaman?” Tanong dahilanan para mas makaramdam ako ng kaba.

Sasabihin ko na ba?

Huminga ako ng malalim, “W-Wala talaga yun. Halika, iuuwi na kita.” Pag-aaya ko sa kanya.

Agad naman itong tumayo, “Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa eh.” Sabi nito.

“Pero Alisa… Baka mapaano ka.” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

“Ivan.. Kaya ko na ang sarili ko. Wag mo kong ituring na bata.” Nginitian nya ako at nagsimula ng maglakad papalayo.

Tanging likod nalang nya ang nakikita ko, “Ayshhh!” Napakamot ako ng uloat agad na tumakbo papalapit sa kanya.

“Hatid na kita? Pleaseeee?” Nasa harapan nya ako at naglalakad ng patalikod. Paano ba naman, patuloy pa rin sya sa paglalakad.

“Kaya ko na talaga sarili ko. Promise.”

“Eh baka mapaano ka. Alam mo na. Iba na ang panahon ngayon.”

“Ivan.. Kaya ko na tal---- Waaaa!!”

Kahit nga andito na ko, nadapa ka pa rin. Paano kung wala ako? Eh di walang sasalo sayo?” Nakayakap na sabi ko sa kanya. Nadapa at napadagan kasi sya sa akin.

Agad rin naman syang tumayo, “S-Sorry.” Sabi nito na halatang medyo naiilang na sya. Napatingin kaming parehas sa paligid. Ang dami palang tao ang nakatingin. At halos lahat, naka-ngiti at tila kinikilig sa nangyari kanina.

Kahit nga ako kinikilig. Shemaayy! Ang gay! =_=

“So, paano? Hatid na kita?” Tanong ko ulit sa kanya.

Natagalan pa sya sa pagsagot, “Sige na nga.” Sabi naman nito.

YESSSSS!!

Inakbayan ko naman sya, “Halika na. ^_^” Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba pero parehas kaming napangiting dalawa. I really miss that smile. And I really miss those days na yung talagang kami lang dalawa ang magkasama. Yung panahong alam kong akin lang sya. Yung panahong alam ko kung gaano nya ako kamahal. Yung panahong masaya kaming dalawa.

Kung pwede lang ibalik ang nakaraan para maitama ang lahat ng mali ko, gagawin ko. Para lang di kita masaktan. Para hindi ka nahihirapan ngayon. Para hindi ka nahihirapang bumuo ng panibagong memories. Dahil lahat ng iyon Alisa… Dahil sa akin.

Alisa’s POV

Idk why I’m smiling. Weird, right? Yeaaa. Very weird. =_=

Nasa sasakyan na nya kami ngayon. Honestly, pakiramdam ko talaga nangyari na to. I swear. Di ko alam kung kailan pero parang…. Ayshhh! Napahawak ako sa ulo ko. Nasakit na naman kasi. ><

“Okay ka lang ba?” Tanong sa akin ni Ivan habang nagda-drive sya.

“O-Oo.” Pilit kong hindi ipinakita sa kanya ang sakit na nararamdaman ko.

“Sigurado ka?” Tila nag-aalalang tanong nya sa akin.

“Haha. Oo nga. Promise.” Nginitian ko sya. Pero sa totoo lang, mas lalong sumakit ito. Pinikit ko nalang ang dalawa kong mata.

“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.”

Dahan-dahan kong minulat ang dalawa kong mata. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Ivan ang narinig ko. Napatingin ako sa kanya. Ivan.. Sino ka ba talaga? Ano ba kita noon?

Binalik ko ang tingin ko sa bintana. Naguguluhan ako. Parang ang dami kong mga bagay na dapat malaman. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ang alaala ko. Pero.. bakit parang walang nabalik kahit isa? Akala ko na ang pagsama at pagkakaibigan ko kay Ivan ay isang magiging susi para bumalik lahat ng alaala ko. Pero.. Parang kakaiba tong nangyayari sa akin. Nahuhulog yata ako sa patibong.

Pero.. Hindi pwede yun. Ang alam ko sa sarili ko… Mahal ko na si Austin. Pero bakit ganun? Pag nakikita at nakakasama ko si Ivan. Naiiba ang nararamdaman ko?

Nanahimik ang loob ng sasakyan. Walang nagsalita ni-isa sa amin ni Ivan. Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay ko, nakaramdam ako ng kaba. Ewan ko ba kung ano ang dahilan.

Pagkatigil ng sasakyan ni Ivan sa bahay, natanaw ko na may ilaw na sa loob ng bahay. Waaa. Andito na si Austin? Eh ang s-sabi nya… sabay kaming uuwi? Hayyy.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan, “Thank you sa paghahatid.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

“You’re always welcome.” Nginitian nya rin ako. Dug dug.

“S-Sige. Pasok na ko.” Akmang aalis na ko pero agad nya akong hinila papalapit sa kanya dahilanan para mayakap nya ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba to. Kay Ivan ko lang naramdaman ang ganto. Binalikan ko ng yakap ito. Kung gaano kasarap ang pagmamahal na nararanasan ko sa piling ni Austin, syang dobleng sarap ang nararamdaman ko kay Ivan. Alam kong mali dahil may asawa ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mahulog.

Hindi lang sya basta basta Ivan na kilala ko lang. Iba sya.

Tumalikod na ko kay Ivan at bumungad sa harapan ko si Austin, “A-Austin..” Sambit ko sa pangngalan nya. Hindi ko alam kong ano ang meron kay Austin ngayon. Ibang iba ang aura nya. Ngayon ko lang nakita syang ganyan ang mukha. Kaya… nagsimula na akong kabahan at matakot.

Tiningan nya lang ako at hinawakan ang kamay ko at lumakad papunta sa direksyon ni Ivan, “Andyan ba sina Tita Allie sa loob? Gabi na ah. Bakit ka pa hindi nauwi?” Malamig na tanong ni Ivan kay Austin.

Nginitian lang sya ni Austin at sinabing, “Bakit ako uuwi? Eh bahay namin to ni Alisa.” Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Austin. Hinigpitan nya ang kapit sa kamay ko.

“Anong pinagsasabi mo?!” Mukhang hindi na-gets ni Ivan ang sinabi ni Austin kanina.

We’re married. And yes, we’re living in the same house.”

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now