I'm Married ♡: Chapter 55

4.8K 88 4
                                    

Chapter 55

 

Kyla’s POV

 

“Asan si Alisa? Absent?” Pagtatanong sa akin ng barkada.

“May nakikita kayong Alisa? Wala di ba?! Malamang wala si bestfriend! Hmmf.” Mataray ko namang sabi. Paano ba naman! Ang kukulit! Kanina pa ko tinatanong! =_=

“Eh wala rin si Austin eh.” Sabi naman ni Josh.

“Eh di magkasama sila. Obvious naman di ba?!” Waaaa. Ang init talaga ng ulo ko ngayon!

“Hey!” Sigaw ni… Eh sino pa ba?! Eh di si… Ayokong banggitin ang pangngalan nya dahil mas lalong nangiinit ulo ko. >.<

“Have you seen Austin?” Tanong nito sa amin.

“May nakikita ka bang Austin dito? Wala naman di ba?! Malamang absent! Duh!”

“Am I talking to you?!”

“I’m just answering your question.” Medyo mahinahon kong sabi.

“Ok.” Sabi naman nito at umalis na.

WOW!!! Hindi nya ako sinagot ngayon. Ilang anghel ba ang dumaan? Isang daang anghel ba?

“Puntahan ko kaya?” Tanong ni Ivan.

“Saan naman?” Tanong namin.

“Sa bahay nila.” Sabi nito. Teka… A-Alam n-nya ang bahay ni bestfriend?

“A-Alam mo ang bahay n-nila b-bestfriend?” Tanong ko. Ohmyyy.

“Oo naman.” Sabi nito. Oh sh*t.

“Ah. Wag na!! Saka, andun din sina Tita Allie! Yari ka pag nagkataon. Hindi pa nga alam nila Tita na nagkita na kayo.” Sabi ko naman.

“Dadalawin ko lang naman si Alisa. Saka, balak ko na ding humingi ng tawad kina Tita Allie at Tito.” Sabi no.

NOOOOOOOOOOOOOO.

“Hehe! Ivan naman! Para namang hindi papasok bukas si Alisa. Nag-text sya sa akin. Okay naman daw sya. Hehe.” Pagpapalusot ko.

“Hindi sapat yung text lang na okay sya. Kailangang makita ko sya ngayon.” Sabi nito. Aba’y matigas ang ulo!! Akmang aalis na sya pero nagsalita ako.

“IVAN!! Alam mo kung bakit nagkakaproblema?” Sabi ko sa kanya.Tiningnan nya ako na parang hindi maintindihan ang gusto kong iparating sa kanya. Hindi ko na yata mapipigilan ang sarili ko.

Lumapit ako sa kanya at tinitigan sya sa mata, “Kasi… Ang gusto mo.. Lahat ng gusto mo, makukuha mo. Ganyan rin naman dati hindi ba? Ang pagpilit mong pagkuha kay Ianne kahit na kay Aaron na sya? Kung hindi mo ipinagpilitan, eh di sana walang nasaktan. Ngayon naman, pinagpipilitan mong makita si bestfriend kahit alam mong magagalit sina Tita Allie”, Huminga ako ng malalim, “Ivan, kung may ipaglalaban ka… Siguraduhin mong may chance kang manalo.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero sadyang lumabas lahat ang mga salitang yun sa bibig ko.

Masakit man ang mga salitang binitawan ko. Wala akong pakielam. Kung iyon lang naman din ang makakapagpagising sa kanyang natutulog na UTAK.

Ivan’s POV

 

“Ivan, kung may ipaglalaban ka… Siguraduhin mong may chance kang manalo.

Kung wala syang amnesia, OO. Napaka-laki ng chance kong manalo. Pero hindi eh. Pinaglalaruan yata kami ng tadhana. Dahil sa isang aksidente nagbago ang lahat.

Lahat ng masayang alaala..

Lahat ng pagmamahal…

Ay nabura na sa kanyang isipan.

Natigilan ako. Bakit kasi kailangang mangyari pa ang ganito? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko para maranasan ang ganto? Sobra sobra na kong nasasaktan. Mababaliw na ko kakaisip. Mababaliw na ko sa kagustuhan na bumalik sya sa akin.

//

“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Josh habang naglalakad kami papapasakay ng sasakyan.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko, “Oo. Sige, mauna na ko.” Sabi ko at sumakay na ng sasakyan.

Gusto ko syang makita…

Kung ganun kadali yun, sana nagawa ko na dati pa. Pero, pamilya na ang kalaban ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa may Japanese Garden kung saan kami dati namamasyal ni Alisa. Inabot ako ng isang oras bago makapunta dito. Ang dami na rin palang nagbago. Mas lalong napalaki at gumanda. Mas dumami na rin ang tao. Sobrang madaming couples na naglalampungan. Hmmf. Parang nang-iinggit lang. Tas may pinagkakaguluhan din. Ewan ko kung sino pero mukhang artista.

May mahabang stairs dito na kailangan mong akyatin para makadating sa pinakatuktok na mararamdaman mo ang malamig at masarap na simoy ng hangin. Umupo ako sa may isang stairs dun at binabalik-balikan ang mga alaala na meron kami dito ni Alisa.

“Ang pogi ni kuya.”

“Nag-iisa oh. Samahan kaya ntin?”

 

Natingin ako sa mga babaeng nagsalita nun. Papa-akyat sila, siguro para makita ang ganda na meron sa tuktok nitong Japanese Garden na’to. Napatingin ako sa pamilyar ng mukha ng isang babae.. Pamilyar..

Processing..

 

Ah! The 18 year-old Fil-Am artist/singer from US, Hannah Scott.

 

Napatingin din sya sa akin dahilanan para magkakatitigan kaming dalawa at sa di-inaasahan natapilok sya….

Pero buti nalang at kaagad ko syang nahawakan.

“Miss, okay ka lang?” Tanong ko sa kanya habang nakakapit pa rin ako sa kanya.

Inangat nya ang ulo nya, ang ganda pala talaga nya sa personal. Pero teka.. Ba’t sya nasa Pilipinas?

**

 

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now