I'm Married ♡: Chapter 70

4.7K 84 2
                                    

Chapter 70

 

Austin's POV

 

"Kate Aubrey Della Cruz. Find where she lives, where she from, who is her parents and anything about her. ALL INFORMATION."

 

(Yes, Sir.)

 

"I want everything as soon as possible."

 

(Makakaasa po kayo.)

Then, I ended the call.

"Sino yun?" Tanong ni Alisa pagkababa ng hagdan.

Agad ko naman syang nilingon, "A-Ah.. K-Kailangan na daw kasi ako sa shoot."

"Ah. Ganun ba? Hmm. Punta ka na kaya? Taxi nalang ako papuntang school." Sabi nito.

"No. Ihahatid na kita." Sabi ko sa kanya.

Eto nalang kasi ang oras na makakasama ko sya. Dahil mas lalo ng magiging busy kami sa shooting. Pero, susubukan naman namin na maka-attend ng ilang klase. Syempre, priority din naman kasi namin ang pag-aaral.

//

"Anong oras ka uuwi mamayang gabi?" Tanong nya sa akin ng mai-park ko ang sasakyan ko sa may parking lot.

"Hindi ko alam. Itetext nalang kita." Sabi ko sa kanya.

Naging malungkot naman ang mga ngiti nya, "Ah. Haha. Ganun ba. Sige, bababa na ko. Ingat." Tapos bumaba na sya ng sasakyan ko.

Kahit na masigla at naka-ngiti sya.. Alam kong may problema.

At ramdam ko na may bumubulabog sa isip nya.

Agad akong bumaba ng sasakyan ko, "Alisa!" Sigaw ko sa kanya.

Nilingon nya ako, "Bakit?"

Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad syang hinalikan.

"Waaa!!! Look!"

"Nakaka-inggit!!!"

"Ang swerte nya!!!"

"Huhuhu!!!"

"PDA!!"

 

"Take care. Bye, I love you." Then, I kissed the tip of her nose.

"Aww. Di sya papasok?!"

"Malamang! Di nga sya nakapang-uniform eh."

"Gawa siguro sa shooting ng new movie nya?"

"Huhu. Mamimiss ko sya!"

"Bye Austin!"

Nag-wave naman ako pabalik sa mga estudyanteng nagbabye sa akin. Si Alisa naman ay nakatayo pa din sa kinatatayuan nya. Tila nabigla pa rin sa ginawa ko.

Kumaway akong muli sa kanya bago ako makasakay ng sasakyan. Pagkasakay ko ng sasakyan ko agad ko na rin itong pinaandar.

Hanggang ngayon hindi ko pa din nababanggit kay Alisa ang tungkol kay Caitlin. Baka eto pa ang maging dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan. At isa pa, hindi nya kilala si Caitlin. Baka magulo ko lang ang utak nya.

"Where is Hannah?" Bungad na tanong sa akin ni Manager na makadating ako.

"Hindi ko alam. Bakit? Wala pa ba sya dito?" Tanong ko. Sya yung nagpa-alaala sa akin ng shooting na'to tas sya pa ang malelate?

I'm Married ∞ | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя