I'm Married ♡: Chapter 10

9.9K 161 8
                                    

 

Chapter 10

Alisa’s POV

Sobrang nakakatamad na kaya umupo muna kami ni bestfriend sa mga upuan dito. Ang sakit na din kasi ng mga kamay ko kakasulat ng mga informations sa mga artifacts na mga nandun. Tss.

Ang nakakainis pa! Nawala na naman si Ivan sa paningin ko. =_=

Sa MOA na daw kami mag-tanghalian. Medyo mahaba-haba din ang byahe papuntang MOA. Ang hindi ko lang alam..bakit kailangan pang magpunta ng Manila para lang dito sa lintik na A.P na to? =_= Ayun lang naman pala ang pupuntahan. At hindi daw pwedeng hindi sasama dahil required daw yun. K.

At syempre, ang laki pa ng hiningi ko kay Mama dahil magshoshopping kami ni bestfriend sa MOA! Bwahahhahaha!!!

Habang nasa bus…

Tangna, ang ingay. -_- Nako, baka ingay na ingay na si Ivanbabes ko. Tsss.

Tiningnan ko sya ng palihim… tulog siya habang naka-earphone. Hayyy. Salamat naman at hindi sya naiingayan.

Makapag-soundtrip na nga lang.

Np: Dream Girl by Shinee

Waaaah! Ang pogi dito ni Choi Min Ho. <333 Sya ang pangalawang crush ko. :”>

                                                                   ****

@MOA

Finally, we’re here. Ilang beses na akong nakakapunta dito pero lagi pa din akong naliligaw. Teka, asan na ba si Ivanbabes ko? Kanina lang, nasa likod nya ako eh. Naman!

“Bestfriend, tingin muna tayo ng damit!!” Sabay hatak sa akin ni bestfriend.

At yun nga, kung saan-saan kaming pumasok na boutique. Nakabili naman ako ng dress. May nadaan naman kami ni bestfriend na parang accessories sa cellphone. Nakapamili naman siya. Tss. Palawit sa cellphone, sya si Domo.

At ako naman, eto… letter ‘I’. Tamang-tama. =)))

At syempre, binili ko ito. Nawalan lang naman ako ng 240php. Bakit ang mahal? May ginto ba dito? Pero… okay lang. Basta about kay Ivan. :”)))

Napagod din naman kami ni bestfriend kakaikot at nakalimutan pala naming mag-lunch. Kumain muna kami sa Shakey’s. Pagpasok namin, andun din sina Ianne at Aaron. Nginitian nila kami parehas ni bestfriend kaya nginitian din naman sila. Umupo naman kami malapit sa kanila. Parang magkatapat lang kami. Teka, nginitian din ako ni Ianne? o_o

At dahil sa sobrang gutom namin ni bestfriend, ang inorder ko, Salad Super Platter Meal (192php) at Hero Classic (106php). Si bestfriend naman, isang Salad Super Platter Meal din at hero meatball (107php). Ang dessert naman naming parehas ay Shakey’s Peach banana split (165php), hati kami ni bestfriend dahil hindi namin to kayang ubusan pag nag-dalawa pa kami. At ang drinks naman namin ay iced tea na lang.  Kasi naman eh, parang natatawa na sa amin ni bestfriend yung waiter.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now