I'm Married ♡: Chapter 73

4.4K 73 0
                                    

Chapter 73

Ivan’s POV

“Sino yan?” Tanong ko dahil may nagtakip sa mata ko.

“Alisa, ikaw ba yan?” Tanong ko at hinawakan ang kamay nya. Hindi ito ang kamay ni Alisa. Tinanggal koi to at humarap sa kanya.

“Hmf. It’s Hannah!” *pouts*

“Ah. Ikaw pala. Hehe.” Napakamot ako ng batok. Si Alisa kasi ang inaasahan ko.

“Wait… I’m really curious about this. Is Alisa you said before is also the girlfriend of Austin?” Tanong naman nya na tila naguguluhan.

“Oo.” Sagot ko sa kanya. Ano naman kung sabihin sa kanya ang totoo di ba? Na ang babaeng gusto namin ni Austin ay iisa.

“A-Ah. I see.” Lumihis naman sya ng tingin.

Moment of silence.

Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi. Nakatitig lang kasi sa akin si Hannah. Ewan ko ba pero kakaiba ang titig nya. Para bang --- Aysh! Ewan! Ano ba tong pinag-iisip ko?!!!

“Hmm. Aalis na ko.” Pagbabasag katahimikan na meron kami.

Akmang lalakad na ko pero hinawakan nya ang braso ko, “May k-kailangan ka bang sabihin?” Tanong ko sa kanya.

“P-Pwede bang samahan mo muna ako?” Naka-tungo lang sya.

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko, “Ano yon?” Tanong ko sa kanya. Nalingon-lingon din ako sa paligid. Hinahanap-hanap ng mata ko si Alisa.

“Follow me.” Sabi naman nya at nauna ng maglakad. Huh??

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa may parking lot.

“Anong gagawin natin? May pupuntahan ba tayo?” Tanong ko sa kanya habang binubuksan nya ang pintuan ng sasakyan nya.

“Just get inside.” Sabi nya ng makapasok sya ng sasakyan nya.

“Pero yung sasakyan ko ----“

“Ako na bahala. Just get inside. Hurry!” Sabi naman nya. Agad naman akong sumakay ng sasakyan nya.

“Wala ba kayong shooting ngayon?” Tanong ko sa kanya habang nagdadrive sya. Hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta.

“Humiling kasi si Austin na wag muna ngayong mag-shoot. May mahalaga daw syang gagawin. Ewan ko nga kung ano ang mas mahalaga kesa sa shooting ng movie nya. Eh kung wala sya, eh di wala na ding kwenta ang pagshoshoot. Sya naman kasi ang bida hindi ba? At halos lahat ng scenes, kailangan sya.” Sabi naman nya. Ibig sabihin magkasama sila ni Alisa ngayong mga oras na to?

Napatingin ako sa may bintana. He can be a really good husband to the girl I love.

“We’re here.” Sabi nya ng ihinto ang sasakyan.

“Mall? Anong gagawin natin dito?” Tanong ko sa kanya.

“Papasama lang ako mag-shopping.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.

Hinawakan nya ang kamay ko, “Halika na! Hehe! Yey! ^_^” Sabay higit nya sa akin papasok ng loob ng Mall. Para syang si Alisa. Gantong-ganto kung paano nya ako higitan noon papasok ng mall.

“Samahan mo ko dun sa Forever 21!! ^^” Sabay higit nyang muli sa akin papasok naman ng store ng Forever 21.

“Ano bagay? Eto o eto?” Tanong naman nya sa akin hawak yung dress na halos kita na halos ang dibdib ng babae at sobrang ikli pa.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now