I'm Married ♡: Chapter 31

8.3K 134 1
                                    

Chapter 31

Ivan’s POV

Hindi ko ma-explain ang saya ng nararamdaman ko ngayon.

Nakita ko na sya.

Nayakap ko na sya.

Pero, hindi nya ako niyakap pabalik. Galit ba syasa mganagawa ko sa kanya?

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at sinabi ang mga salitang gustong-gusto kong sabihin sa kanya noon pa, “Alisa, patawadin mo ko sa nagawa ko sayo noon. Nagkamali ako noon. Ang dami kong naging pagkukulang. Ang dami kong sinayang na pagkakataon. Pero lahat ng yun pinagsisisihan ko. Patawadin mo sana ako. Dahil huli ng mapagtanto ko na ikaw na pala ang mah-------“

Inalis nya ang kamay nya sa pagkakahawak ko, “K-Kuya, baka nagkakamali lang po kayo. Saka, paano nyo po nalaman ang pangngalan ko?” Sabi naman nya.

“Kuya, baka nagkakamali lang po kayo. Saka, paano nyo po nalaman ang pangngalan ko?”

“Kuya, baka nagkakamali lang po kayo. Saka, paano nyo po nalaman ang pangngalan ko?”

Napatingin ako kay Kyla, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya.

“Alisa, si Ivan to. Alisa naman, wag mong gawin to sa akin. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. Pero, please. Wag kang magpanggap na hindi mo ko kilala, na wala tayong pinagsamahan. Alisa naman, wag mong gawin to sa akin.” Tila nagmamakaawa ako sa kanya. Dahil kahit sila Vince, nagulat sa sinabi ni Alisa.

Alam ko namang hindi ako matitiis ni Alisa. Mahal na mahal nya ako.

Alisa’s POV

“Kuya, sorry po.Pero, hindi po talaga kita kilala.” Sabi ko at pilit nilalayo ang sarili ko sa kanya.

“Alisa, wag mo namang gawin to kay Ivan.” Sabi nung isang babae.

Bakit pamilyar din yung mukha nya?

“Ivan, pag-usapan natin to.” Sabi ni Kyla dito.

Kilala sya ni Kyla?

Ivan?

Parang pamilyar yung pangngalan nya.

“Alisa, halika na.” Sabi naman ni Aus.

“Aus naman, ni-hindi ko nga alam kung bakit mo gustong lumipat eh.” Sabi ko.

“Alisa, please….” Nagmamakaawang sabi nya sa akin.

Pero, parang ayaw akong paalisin ng mga paa ko sa kinatatayuan ko at sinasabing huwag akong pumayag sa sinasabi ni Austin.

Kyla’s POV

“Paano mo nagawang ilihim sa amin na gising na pala sya.” Galit na sabi ni Ivan sa akin.Nasa may garden kami ngayon.

“Iyon ang sabi ni Tita Allie, ang huwag sabihin sa iyo ang pag-gising ni bestfriend.” Sabi ko.

“Pero, bakit ganun? Ang laki ng galit nya sa akin. Nagpapanggap syang hindi nya ako kilala! Alam ko na mahal pa din nya ako Kyla!” Sabi nito.

“Hindi mo naiintindihan Ivan.1 year and 5 months syang comatose.Pagkagising nya, wala syang maaalala kahit ano. Kahit sina Tita Allie, hindi nya maaalala. Kahit ako na bestfriend nya, hindi nya maaalala. Ganun din ikaw Ivan, hindi ka nya naaalala. 2 months syang nag-therapy. Kaya, 2 months akong hindi nagpakita sa inyo. Tinuruan namin sya ni Austin sa mga past lessons para hindi sya mahirapan sa pagpasok ng 2nd year college. Ilang beses naming pinaulit-ulit ang pangngalan namin para matandaan nya. Inalis lahat ni Tita Allie ang mga bagay na pwede nyang maaalala sayo. Pati ang pangngalang “Ivan”, iniiwasan din namin na mabanggit ito sa kanya.” Sabi ko.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now