I'm Married ♡: Chapter 20

8.8K 156 7
                                    

Chapter 20

Ivan’s POV

Hindi ko alam pero bakit parang nasaktan ako ng biglang yakapin ni Aaron sa Alisa. Si Alisa naman talaga ang may kasalanan kung bakit nagka-mantsa ang damit ni Ianne. Kaya dapat lang nya na ibigay ang damit nya.

Sabay pa silang umalis ni Aaron. Tamang-tama, solong-solo ko si Ianne.

“And the Mr. Intrams is Brett De La Cruz from IV- Samuel and the Ms. Intrams is…” Parang may hinahanap yung speaker, “Wala po sya.” Mahinang sabi nito na kaagad namang bumaba at pumunta sa mga judges. Lahat din ay nagtaka.

Ilang minuto din bago ito bumalik ng stage, “And the Ms. Intrams is Ianne Flor Sanchez from IV- Isaac.” Sabi nito. Lahat naman nagpalakpakan. Inannounce na din ang Ms. And Mr. Freshmen, Sophomore, Junior and Senior.

Inintay ko si Ianne sa may backstage dahil iihatid ko sya pauwi dahil si Aaron kasama ni Alisa.

“Asan na ba si Ms. Lopez?”

“Nawawala ba?”

“The judges really chose her.”

“Ms. Sanchez is just the second choice.”

“Ms. Lopez should be the Ms. Intrams.”

Tama ba ang mga naririnig ko? Si A-Alisa dapat?

Alisa’s POV

“Sige, salamat sa paghahatid.” Sabi ko kay Aaron, “Sunduin mo na si Ianne. Tapos na din yung Mr. and Ms. Intrams eh.” Sabi ko dito.

“Siguradong okay ka na ba?” Tanong nito sa akin.

“Oo naman! Hehehehe.” Tumawa naman ako. Pekeng tawa.

“Sige, kalimutan mo na yung nangyari kanina bf. Ako na mismo nagsosorry sa nangyari kanina. Sana andun ka kanina. Baka mamaya, ikaw pala ang Ms. Intrams.” Sabi nito.

“Hahahahha. Hindi noh. Sige, pasok na ko bf ha. ^__^” Sabi ko tas nag-wave na ko sa kanya at pumasok na ng bahay.

Ivan’s POV

Kakadating ko lang ng school. Masaya ako dahil nakasama ko kahit papaano si Ianne kahapon. Ako pa mismo ang naghatid sa kanya sa bahay niya.

Nakita ko sila ni Aaron na magkasabay pagpasok, magkahawak ang dalawa nilang kamay.

Hindi ko sya maintindihan. Ganun ba talaga nya kamahal si Aaron at kahit kailan ni-hindi nya magawang magalit dito?

 

Mas dinalian ko ang paglakad ko. Pagdating ko sa classroom. As usual, sobrang ingay. Pero..bakit may hawak silang mga folder? Pagka-upo ko sa may upuan agad kung hinugot ang ipod sa may bulsa ko at sinaksak sa dalawang tenga ko ang earphone. Wala naman si Mrs. Ching ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Wala din akong pakielam. Makatulog na nga muna tutal naman natapos ko lahat ng assignments kagabi.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now