I'm Married ♡: Chapter 77

4K 73 3
                                    

Chapter 77

Ivan’s POV

Stairs: “Stairs. Sa tagalog, hagdan. Sa English, escalator. Kung tinatamad mag-escalator, mag-elevator. Chos! Eto serious na. Ehemmm. Ummm, stairs. Kung sa buhay ng isang tao, parang ayaw nating mahirapan. Bakit pa tayo maghahagdan kung ang nasa isip naman natin ay may escalator at may elevator naman? Ganyan tayong mga tao. Mas pinipili natin ang daan na mas hindi tayo mahihirapan. Palagi nalang kung saan tayo mapapadali. Pero, hindi ba natin maisip na sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga yun ay pwede rin tayong mapatigil o kaya mapahinto? What if kung nasiraan? Sa escalator, no choice ka kasi aakyat ka pa din gamit na ang mga paa mo. At isipin nyo nalang yung sa Final Destination 4! Bwahhahaha! JOKE! Sa elevator naman, wala kang choice kundi ang ma-stuck sa loob.”

“What I mean is, kung saan tayo tinatamad doon pa talaga tayo mas ligtas.”

Paliwanag naman ni Airryl ng group C3 sa nakuha nilang treasure. Nagpalakpakan naman kami. May point ito. Pero parang hindi pa din yun ang tumpak eh.

Dumaan rin ang iba;t ibang grupo na nagpaliwanag ng kanilang treasure na nakuha. Yung iba, walang connect. Yung iba, malalim. Sobrang lalim. Yung iba naman, napakababaw. At halos lahat sila ay may binigay na example. Tulad nalang ng mga past experiences nila noong High School palang sila.

Halos wala naman akong medyo naintindihan sa nagpapaliwanag ng nakuha nilang treasure dahil nakatingin lang ako kay Alisa. Wala na naman sya sa sarili. Ilang beses ko na syang sinusubukang pa-ngitiin pero no effect eh.

Two roads: “Para sa amin, ang meaning nito ay choosing between which way.”

Inangat ni Alisa ang ulo nya. Siguro dahil narinig na nya ang boses ni Austin. Napayuko naman ako. Bakit di pa ko masanay? This is not the first time. Why I’m still hurting this much?

Tila nanahimik ang lahat. Lahat ng mata nila ay na kay Austin lang.

“In life, pare-parehas nating nararanasan o mararanasan pa lang ang mamili sa isang bagay. Ang bagay na magpapasaya sayo o kaya naman ang bagay na mas makakabuti para sayo. ”

“Ang pinaka-nararanasan natin ay ang mamili sa dalawang tao.” Tumingin naman sya kay Alisa. Napa-yuko naman itong muli. Bumalik ang tingin ko kay Austin. Nakatitig sya kay Alisa.

“Hindi mo maintindihan kung sino ang pipiliin mo. Sa sitwasyon ko kasi, I’m choosing between my first love in the past and my last love right now in the present.” Nakatingin pa din sya kay Alisa.

“I’ll choose my present. Nakita ko man yung dati ko. I admit, the feelings are still there. But different as the way I feeling before. Maybe… I just don’t want to lose her again because she’s been part of my life.”

Kinuhit ako ni Aaron, “Dalang-dala silang lahat oh.” Sabaay turo sa lahat ng mga estudyante. Yung iba medyo naluluha na dahil nakaka-relate. Napatingin din ako sa mga head teachers. Naka-ngiti ang mga ito. Shet. Paano pa sila madadala sa pagpapaliwanag ko kung nadala na sila ng speech ni Austin? Tss.

May pinunas naman sa mata si Austin. Mukhang naluluha sya, “So…Ummm. For me, in choosing on this two roads which way is going to the where I’ll be happy. And that happiness is being with her. That’s all. Thank you.” Nagtilian ang lahat sa sinabi ni Austin. Napatingin naman ako kay Alisa. Naka-ngiti na sya. Nawala na ang malungkot nyang mukha.

“Talagang tungkol sa buhay at talagang nakaka-relate tayo sa sinabi ni Mr. Salvatorre. He also give example. Kaya si Ms. Lopez oh, namumula. Hehe.” Sabay turo ng isang head teacher kay Alisa.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now