I'm Married ♡: Chapter 61

4.9K 87 2
                                    

Chapter 61

Austin’s POV

We’re married. And yes, we’re living in the same house.” Sabi ko sa kanya. Kailangan na nyang malaman ang totoo. Eto na lang ang alam kong paraan para lumayo sya kay Alisa.

“ANO?!” Galit na nyang tanong sa akin.

“Wag kang umasta na hindi mo narinig ang sinabi ko. Ivan.. Kasal na kami. Kaya please lang… Layuan mo na sya.” Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun, hinigit ko na si Alisa papasok ng bahay at iniwan si Ivan na gulat na gulat pa din sa sinabi ko.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, agad kong binitawan ang kamay nya at tumungo papunta sa kusina para ipaghain sya kaya lang pinigilan nya ako, “A-Ah.. Ano.. Wag n-na. Busog pa ko.” Sabi naman nya sa akin.

“San ba kayo nagpunta ni Ivan?” Diretsong tanong ko sa kanya.

“Namasyal lang sa mall.” Nakatungong sabi nya.

“Di ba ang sabi ko intayin mo ko sa may parking lot?! Pero bakit pagdating ko dun wala ka?! Mas pinili mo bang sumama kay Ivan at hayaan lang akong mag-intay dun?!” Medyo napalakas ang boses ko. Galit ako. Pinag-intay nya ako ng matagal dun. Ni-hindi man lang sya nagsabi o kaya nag-text na hindi na nya ako maaantay. Tas malalaman-laman ko nalang na magkasama sila ni Ivan. Ayun ang mas ikinagalit ko.  

“Ang tagal kong nag-antay dun Austin.” Mahinang tonong sabi nya sa akin.

“Matagal?! Eh mas matagal pa ang pagsasama nyo ni Ivan eh!!” This time, mas malakas na ang boses ko. Gusto ko sanang pigilan ang galit ko. Pero hindi ko kaya. Halos mabaliw ako kanina kakaisip kung saan sya nagpunta. Wala naman akong mapagtanungan. Hindi rin sinasagot ni Kyla ang tawag ko. Hindi naman alam ng barkada kung saan naroon si Alisa. At ang sabi nila sa akin.. Nauna daw si Ivan na umuwi. Pinagluto ko pa sya ng isa sa mga best food na alam ko tas kumain na pala sya… silang dalawa ni Ivan.

“Austin.. S-Sorr---“ Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil agad ko syang hinalikan. Deep and harsh. Gusto ko akin lang sya. Pero bakit kahit wala na ang alaala nya hindi ko pa rin sya masolo? I pushed her against the wall and kissed her again. Pilit syang kumakawala sa akin pero hindi nya ako kaya. My kissed get down on her neck, “Austin… T-Tama na.” Sambit nya.

I started to unbuttoned her blouse, *hik* Inangat ko ang ulo ko. Naiyak na sya. Hindi ko alam na aabot sa ganto ang galit ko. Kaagad ko syang nayakap, “Sorry.” Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya, “Nadala lang ako ng galit.” Sabi ko sa kanya. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang dalawa nyang pisngi, “Sorry. Sorry. Sorry.” Ilang beses kong hinalikan ang noo nya. Pinunasan ko ang mga luha nya gamit ang mga daliri ko.

Bakit pa kasi dumating sa buhay natin si Ivan? Hindi ba pwedeng tayong dalawa nalang?

“P-Papanik na ko.” Medyo utal-utal nyang sabi at dali-daling umakyat ng hagdan. Napakamot nalang ako ng ulo. Ayshh! Agad na rin akong pumanik para sundan sya.

*TOK TOK*

“Alisa?” Tawag ko sa pangngalan nya sa may labas ng pintuan.

“Hm?” Sagot naman nya ng hindi pa rin binubuksan ang pintuan.

“Galit ka ba sa kin?” Tanong kong muli sa kanya.

“Hindi. Matutulog na ko. Bukas nalang tayo mag-usap.” Sabi nito. Ramdam ko na galit sya. Hindi ko naman talaga sinasadya. Sobra lang akong nadala. Unti unti akong naglakad palayo sa may pintuan nya at malungkot na nagtungo sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now