I'm Married ♡: Chapter 81.1

4.2K 69 3
                                    

Chapter 81.1

Author’s Note: This chapter is Aaron and Ianne’s chapter. Dumating na sa punto na naghiwalay sila di ba? Kaya eto… itutuloy ko. Isa rin naman po sila sa Main Cast. Naging isa pa nga po sila sa dahilan kung bakit naging magulo/mahirap ang love story nina Ivan at Alisa. Kaya… please do read din.

AARON AND IANNE SPECIAL CHAPTER

Ianne’s POV

“A-Arayy!!” Bigla kasi akong dinambahan sa likod ni… Zedrick!!!

“Hey! Ang bigat mo! Zedrick naman eh!!!” Sigaw ko sa kanya. Ang tangkad tangkad kaya ng lalaking to. Tas ang bigat bigat pa nya. =_=

“Kamusta ka na Ianne ko?” Sabay kindat nya sa akin.

“WAG KANG LALAPIT!!! MATATADYAKAN KITA ALEXANDER ZEDRICK QUINN! MAKIKITA MO!” Galit kung sigaw sa kanya. Coz’ he’s gaving me that look again! Yung parang manghahalik sya?! Waaa!

Hindi naman nya ako sinunod. Mas lalong inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, “Zedrick! Binabalaan kita! Majujudo k-kita!” Napapikit na ako. Sobrang lapit na kasi talaga.

*POINK*

“ARAY!!!!!!!!!” Hawak ko sa noo ko. Pinitik nya kasi ako! Kainis! =_=

“Pumikit ka pa dyan! Hindi naman kita hahalikan! Haha! Ayos! Mai-upload to sa facebook! Bwahahaha!” Asar naman na sabi sa akin ni Zedrick. T-teka… KINUHANAN NYA AKO NG PICTURE?!!!

“DO YOU WANT TO DIE?” I’m looking straightly to his eyes. I’m dead serious right now. How can he fool me? And how can he take me a picture looking like that? How can he did this to me lalo na’t alam nyang galit ako sa mundo ngayon?!

Napayakp naman nya sa sarili nya, “Ianne ko… W-Wala namang ganyanan. Ipa-private ko naman ang mga pictures mo eh.” Nanlaki ang dalawa kong singkit na mata. MGA PICTURES?!!!

Hinampas-hampas ko sya, “ANONG PICTURE YUN HA?! Waa! ZEDRICK NAMAN EH!!! IDELETE MO YUN!!! KILALA KITA!!! PURO PANGIT AKO DUN NOH?!!! HINDI MO NAMAN AKO KUKUHANAN NG PICTURE NA MAGANDA AKO EH!!! WAAA!! ZEDRICK!!!” Patuloy pa din ang pag-hampas ko sa kanya.

“HINDI KA PA RIN TALAGA NAGBABAGO!!! PALAGI MO PA RIN AKONG INIINIS!!”

We’re childhood bestfriends. Lumipat kami ng bahay nun kaya kami nagkahiwalay. Pero biruin nyo yun? Magkikita kaming muli sa University na’to.

“Naka-private naman ah! Ako lang ang makakita nun! Eh di gagawin ko naman mamaya na tayong dalawa lang ang makakita! Bwahahahah!” Hinampas ko na naman sya. =_=

“I hate you Zedrick! I really hate you!” Binatukan ko sya ng napakalakas.

Pero imbis na gumanti sya. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong yakapin. Huh? N-Naganti tong lalaking to pag binabatukan ko sya eh. Akmang aalis na ko sa pagkakayakap nya sa akin pero pinigilan nya ako, “Stay still Ianne. Andito si Aaron.” Mas kinabahan naman ako sa sinabi nya.

Plano talaga namin to ni Zedrick. Pero parang wala namang nangyayari. I can’t even see him in jealous state. Dun ako naiinis! Ugh! Pag nakikita nya kami ni Zedrick na magkasama parang wala lang sa kanya! We’re really like a stranger na talaga! Hmf.

“Andyan pa ba?” Tanong ko dahil kanina pa sya nakayakap sa akin. Pinagtitinginan na rin siguro kami ng ibang mga estudyante.

“Andito pa.” Bulong naman nya sa akin. Ang tagal namang umalis nun! Tss. Baka tinititigan pa kaming dalawa ni Zedrick? Oh baka nagjejelly na! Hahaha!

“Zed.. Ang tagal naman yata? Asan na ba si Aaron? Nakatingin ba sa ating dalawa?” Tanong kong muli sa kanya.

“Oo. Kanina pa sya nakatitig sa ating dalawa. Hindi nga nagalaw eh. Mukhang success ngayon ang plano natin.” Bulong naman nya sa taenga ko.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now