I'm Married ♡: Chapter 84.2

5.5K 95 2
                                    

Chapter 84.2

 

 

Ivan’s POV

 

 

Totoo ba na may time machine?

 

Sana nga meron.

 

Gustong-gusto ko ibalik ang lahat tulad sa dati.

 

Para naman maitama ang maling nagawa ko na ngayon ay pinagsisihan ko.

 

 

Eto na naman. Hindi ko na naman mapigilan ang luha na maaaring pumatak na. November na pala. 2 weeks nalang birthday nya.

Akala ko may pag-asa pa. Pero wala na pala.

“Ivan…” Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin mula patalikod ng isang babae.

Nagulat ako kaya naman agad kong nilayo ang sarili ko sa kanya. At laki din ng gulat ko na si Hannah ang nakita ko, “H-Hannah?!”

Umupo sya sa kaninang inuupuan ko, “Hindi ka na naman ba papasok ng klase? Ilang beses na yan ngayong buwan ah.” Sa tono ng boses nya, para syang Nanay na pinagsasabihan ang anak.

Nilagay ko ang kamay ko sa magkadalawang bulsa ko, “Ano naman sayo? Mabuti pa at bumalik ka na. Malapit ng matapos ang break time.” Sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya. Pero, kaagad nya din akong hinarangan.

“Do you think papayag ako na makita kang nagkakaganyan?! Ivan! For God’s sake! Hindi lang si Alisa ang babae sa mundo!”

Eto na naman sya. Pang-ilan na din ba nyang sinabi yan ngayong buwan sa akin to?

“Try to love again Ivan! Buksan mo ang puso mo sa iba!” Hinawakan nya ang polo ko.

“At gusto mong buksan ang puso ko sayo?” Tinitigan ko sya sa mata. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya ng sobrang lapit.

“Ramdam mo rin ba na si Alisa talaga? Na sya talaga ang mahal ko? Na hindi lang ang puso ko ang hawak nya. Kundi ang mga mata ko din. Na kahit kanino ako tumingin, sya pa din ang hanap ko.” Mahina ko syang tinulak at nagsimula ng maglakad.

Ayokong masaktan ka Hannah.

 

 

Naranasan ko na ang manggamit ng iba para lang makalimutan ang taong talagang mahal ko.

Pero anong nangyari?

Ako pa din ang nasasaktan sa huli.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now