I'm Married ♡: Chapter 35

6.6K 122 2
                                    

Chapter 35

Austin’s POV

“Hello Tita, si Austin po to.”

(Oh iho, napatawag ka? May nangyari ba sa anak ko?)

“Ah. Wala po Tita. Kakagaling ko lang po sa photo shoot ngayon. Kasama nya po si Kyla.”

(Ah. Ok ba yang mga estudyante sa university ni Mare?)

“Opo Tita. Maayos naman po sila.”

(Ah ganun ba. Basta pag may nanggulo, sabihin mo sa kin at ipapa-kick out namin ng Mama mo. Sya nga pala, yung katulong bukas na ang dating.)

“Hmmm, Tita, ayun po sana ang pakay ko kaya po ako napatawag. Balak ko po sana na wag na kaming magkatulong. Kaya ko naman pong magluto, magtutulungan nalang din po siguro kami ni Alisa sa paglilinis ng bahay para mas makilala pa po namin ang isa’t isa.”

(Ah. Sure iho. Basta, ingatan mo ang anak ko ha? Siguraduhin mo din na hindi pa sila nagkikita ni Ivan. Sige iho, I’ll hang up na. Ingat kayo.)

Tita…kung alam mo lang. Nagtagpo na sila. Nagkita na sila.

Naglalakad ako sa may hallway ngayon.

“Girls! Ang pogi talaga ni Austin!”

“Pa-autograph at pa-picture na kasi tayo!”

“Austin, pwede bang magpa-picture?” Sabi ng isang mga babae.

“Sure.” Nginitian ko lang sila.

Nagtilian naman sila.

*CLICKED*

“Austin kami din!!” Sigaw nung ibang babae.

“Sure.” Sabi ko.

After 874867384764 years, natapos din. Ang dami kasing nakapag-picture. May nagpa-autograph din. Hayyy. Araw-araw na naman din nila akong makikita eh.

“Aus!!” Iisang tao lang ang natawag sa kin nun. At kilalang-kilala ko kung kaninong boses yun kaya hinahanap ko kaagad ang boses na yun. At hindi ako nagkakamali, si Alisa nga. Tumakbo sya papalapit sa kin.

“Oh, bakit ka naman natakbo?” Tanong ko sa kanya.

“Wala lang. Hehe.” Sabi naman nya.

Alisa, wag kang ngumiti ng ganyan. Lalong-lalo ako naiinlove sayo.

Sabay kaming pumunta sa may table.

“Nag-lunch ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi pa. Iniintay kita eh. Sabi mo kasi before lunch ka dadating kaya inantay nalang kita.” Sabi naman ito.

“Hehe. Sige, halika na. Bili na tayo ng mga kakain natin.” Sabi ko naman at sinama sya sa pagbili ng pagkain. Mahirap na, baka makapag-usap sila ni Ivan at may bagay na makapagbalik ng mga alaala nya.

Pagkatapos naming bumili ng pagkain. Bumalik din kami kaagad sa table.

“Ivan.. Ivan, right?” Tanong ni Alisa…. kay Ivan?

Napa-angat ang ulo nito saka tumango. 

“Pano mo nalamang lychee flavor ang gusto ko sa mogu-mogu?” Tanong ni Alisa.

Ivan, wag.

“Ah. Kasi -----“

“Bestfriend kasi, hmmmm, minsan nauutusan mo syang bumili noong high school tayo. Eh ikaw napakatamad mo nun. Hahahahaha.” Sabi naman ni Kyla.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now