I'm Married ♡: Chapter 24

9K 168 10
                                    

Chapter 24

Kyla’s POV

Naka-upo ako sa may upuan malapit sa may stretcher ni bestfriend. 2 weeks na ang nakakalipas pero, hindi pa din sya nagising. Wala ako sa sarili ko ng mga ilang araw. Wala akong kasamang mag-celebrate ng birthday ko. Wala rin naman kasi ang magulang ko. Bati lang nila sa akin at mga regalo ang natanggap ko mula sa kanila. Pagkatapos ng klase, diretso agad ako dito sa ospital. Umuwi na din pala ang Kuya nyang si Kuya Allen. Napakulong na din ang nakabangga. Aba’y dapat lang. >//<

Napatingin ako kay Austin na natutulog. Sinong mag-aakalang arranged marriage sila? Kinuwento sa kin ni Ate Sarah at sinabi na din sa akin ni Tita Allie. Ano kaya ang maging reaksyon ni bestfriend? Kung ako siguro, ay nako! Papa-party ako! Aba, maging asawa mo naman ba ang isang teen-age super star ng buong mundo?

Grabeh! Ang gwapo nya kahit natutulog. Hindi na rin ako pumunta sa mall tour nya dahil libreng-libreng silay ako dito dahil lagi syang naka-bantay kay bestfriend. Ang sweet nga eh. Sa concert naman nya, baka hindi na rin ako pumunta dahil dito mismo sa ospital, pwede na akong magpa-autograph at magpa-picture. Hihihi. Bestfriend, baka hindi ko matiis at ma-rape ko to. Joke. Magiging asawa na sya ng bestfriend ko noh.

Naalala ko tuloy nung kinausap ako ni Tita Allie.

*Flashback

“Iha, pwede bang pag nagising na ang anak ko. Wag mo ng ipaalam kay Ivan.” Sabi nito.

“Pero bakit po? Boyfriend pa din po sya ni bestfriend.” Sabi ko naman. Hindi ko maintindihan si Tita.

“Sinaktan ni Ivan ang anak ko. Hindi na ako muling papayag na maglapit ulit ang landas nila. Kaya iha, nagmamakaawa ako. Wag mo ng ipapaalam kahit kanino pag nagising na sya. Saka, pina-arranged marriage ko na sya.”

“A-Arranged marriage?” Ohmyyyyyy.

“Oo, nasa loob ito. Alam kung sasaya at aalagaan sya ni Austin. Pagkagising nya, civil wedding ang kasal. Gagawa ako ng dahilan para sya na mismo ang sumuko kay Ivan. Dahil sa dinami-dami ng rason para sumuko sya kay Ivan. Nahanap talaga sya ng isang dahilan para ipaglaban si Ivan.” Sabi nito. Tama si Tita. Panahon na siguro sumaya si bestfriend kay Austin. Teka, Austin? O_O

“Tita, sino pong Austin?” Tanong ko. Dahil baka ang Austin Drew Salvatorre ko. Wag naman sana. Saka, napaka-IMPOSIBLE.

“Austin Drew Salvatorre. Andun sya sa loob. Balita ko sikat sya sa buong mundo. Eh alam mo naman ako iha, huli na sa balita. Kilala mo siguro sya. Kakauwi nya nga lang ngayon galing sa Europe dahil may mall tours at concert dito sya sa Pinas.” Tama ba ang naririnig ko? Si A-Austin ang mapapangasawa ng bestfriend ko?

*End of flashback

 

Pero, ok lang sa kin na kung si Austin ang mapangasawa ni bestfriend. Ang hindi ko lang alam, pumayag naman kaya si bestfriend sa desisyon ng magulang nya na iarrange marriage sya? Uso pa pala yun noh. Pero, ang sinabi ni Tita, wala daw munang dapat makaalam ng tungkol dito sa arrange married na to. Dahil na din siguro sa image ni Austin.

                                                                   ****

@School

“Kyla, napunta ka pa bang ospital?” Tanong na naman sa kin ni Ivan. At alam nyo ba na kanina pa nya ko kinukulit? =_=

I'm Married ∞ | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon