Kabanata 1

1.7K 47 1
                                    


"Hindi ka maaaring makaakyat sa langit."

"Huh? Bakit naman?" ang kulubot nitong mukha ay mas lalong lumitaw ng pinaningkitan niya ako ng mata.

"Hija, ikaw ba ay may pinanghahawakan ng sama ng loob?" sumeryoso ito.

Napatigil ako, ako may pinanghahawakan ng sama ng loob? Saan? Sino? Kanino?

"Paano ko naman malalaman kung may sama ng loob man ako kung kanina kung hindi ko maalala ang mga nangyari saakin?"

This is stressing me out. Akala ko panaman pag namatay na ang isang tao payapa na ang buhay niya. I mean no worries and problems na dadaanan diba? Pero ano 'to?! Ugh, magpakamatay nalang kaya ulit ako? Teka, ano 'yun double dead? Seriously Avery, anong katangahan ang naiisip mo ngayon?

Bumuntong hininga ang matanda. I met her yesterday when I bumped into her. That was when I realized she can see me. So in the end, I asked her to help me.

Mag-iisang taon na ang kamatayan ko at 'yun lang ang natatandaan ko. Well, pati ang mga ibang parts like my hobby, favorite foods, colors etc.  and of course ang pangalan ko at ang araw ng kamatayan ko. Wala akong maalalang importanteng pangyayari noong nabubuhay pa ako.

"Mahirap ito..." muli itong napabuntong hininga. "Kung hindi mo pa matatapos ang misyon mo dito ay may mangyayaring hindi maganda sayo." I froze.

Anong ibig niyang sabihin?

"Marami na akong nasaksihan na mga espiritong hindi natapos ang misyon." hinawakan ni Mercedes ang aking kamay bago itinuloy ang salita ni minsan ay hindi sumagi sa aking isip.

"Pwede kang balutan ng masamang espirito at mamalagi habang buhay dito sa lupa, Hija. Kaya hangga't maaari tapusin mo na ang misyon mo." nanigas ako sa kinauupuan ko at nanlalaking mga mata ko ito muling tinignan.

Hindi ako makapagsalita parang nawalan akong dila  sa mga binitawan nitong salita. Masamang espirito na pwedeng bumalot saakin? Imposible!

"Maaaring maging isa kang makasalanan na espirito kapag hindi mo natapos ang tungkulin mo dito sa lupa at gambalain mo ang mga tao. Kailangan mapigilan ito Avery bago pa maging huli ang lahat."

Paano ko mapipigilan?

That GhostWhere stories live. Discover now