Kabanata 61

499 15 2
                                    

AVERY MASON

3 days, napangiti ako ng matipid ng makita ko ang kalendaryo nakapaskil sa hallway ng hospital. Sa tatlong araw na 'yan ay nararamdaman ko na ang paghina ng kalulwa ko at parang konti nalang ay bibigay na.

Sa tatlong araw na 'yan ay tiniis ko gabi gabi ang sakit na dumadaloy sa buong katawan ko at sa tatlong araw na 'yan, ganun parin ang lagay ni Allie.

Agad naman akong humawi sa daan ng may nagtatakbuhang napakaraming nurse kasabay ang mga doctor na mukhang nag mamadali.

Napakunot ako ng noo at lumingon sa matatandang nag salita sa gilid ko.

"Nako, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon at mukhang nagmamadali ang mga doktor?" tanong ng isang matandang babae sa isang mukhang mas matanda pa kaysa rito.

Nagkibit balikat ang matanda at nilingunan ulit ang mga doktor na lumiliko na ng hallway. "Rinig ko ay namatay rin ang driver na nakasaga sakanya. Kawawa naman." iiling iling na sambit ng matanda.

Nakaramdam ako ng kaba sa narinig. Hindi kaya...

"Tyler! Bilisan mo! Nagka-seizure si Allie!" humahangos na sigaw ni Venice na halatang hindi mapakali ng makita si Tyler na naglalakad at may hawak na plastik.

Ngunit pati ito ay mukhang nagulat sa narinig at hindi namalayang nabagsak na ang plastik na dala nito at mas nauna pa sa pagtakbo kay Venice. Habang ako ay nakatulala lang at walang nagawa kundi ang mapaupo sa sahig.

Hindi maaari.

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon