Kabanata 13

656 18 0
                                    

Apat na buwan nalang ang titira saakin bago mag iisang taon ang aking kamatayan, ngunit ni isa ay wala parin akong clue sa pagkamatay ko-well, meron napala. Ang diary na binasa ko.

Ang araw na iyon ay kung saan ay ang araw ng kamatayan ko. Pero ang ipinagtataka ko kung ano ibig sabihin ng pinakahuli? CKA, 29? At ano ang pinasasabi kong I wish, I wanted? Ano nanaman drama mo n'un Avery? Paenglish-english ka pa nalalaman d'yan.

muli kong tinignan si Cleo, mahimbing parin siya natutulog-wait, mukhang hindi pala mahimbing, naririnig ko kasing umuungol siya at kumukunot ang kanyang noo kaya minsan ay nagugulat ako. tsk, siguro binabangungot ito. Nevermind, kailangan ko pang kumuha ng impormasyon sa notebook na ito.

Muli kong nilipat ang notebook sa unang pahina.

1/1/13

I'll treasure this day. I finally agreed to be Leo's girlfriend.

-Av

Kumunot ang noo ko at sino naman itong Leo na ito? Bakit parang ang landi ko ata noon? Ilang taon ba ako nung time na 'yan?

Nalaman ko rin na dito ako nagaaral ngayon nasagot na sa isa sa mga katanungan ko kung ano nangyari sa aking noon pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit na kay Cleo ang aking diary. Seriously? Wala naman akong nababangit na pangalan ni Cleo dito bakit nasakanya ito and who the hell is this Leo aber? 2013 pa 'to! Wow napakamakaluma ko namang tao at imbes na sa SNS ako magdiary ay dito pa sa notebook kalerky!

Nilipat ko ang pahina sa pangalawa.

2/1/13

It's our first Monthsary! We're planning to go at park. 'coz I really like going to park.

Pagak naman akong napatawa. Nag adik din siguro ako? Ulit kong nilipat ang pahina pero napangiwi lang ako ng mabasa kong puro lang doon sa Leo na ito ang laman. Ako ba talaga iyon? And who the heck si Leo?

Padabog kong hinagis ang notebook sa lamesa kung saan nakagilid si Cleo pinagmasdan ko ang mukha nito pero laking gulat ko ng biglang tumulo ang luha nito. Teka! bakit ito umiiyak? Nilapit ko ang ulo ko sakanya at tinignan mabuti.

Pansin na pansin ko sa mukha niya ang pagkamaputi. Wala ni isang butlig na makikita rito ni isang lamok ata ay hindi madapuan ang pagmumukha nitong lalaking ito! Sobrang haba ng makapal niyang pilikmata nahiya naman ang akin- este ang mukha nitong babaeng pinopossess ko ngayon.

Hindi gaanong matangos ang ilong niya pero nabagay naman niya ito sa maliit at pula niyang labi. God siya na nag hindi matangos ang ilong pero gwapo pa rin. Hindi siya gaanong matipuno, mapayat lang ang katawan niya pero kung... hahawakin ang braso mararamdaman mong may Biceps ito pero walang triceps. Duh! mas gusto ko pa nga ang ganitong lalaki eh. Kung tatayo siya ay hanggang balikat lang niya ako- Teka! Bakit ko ba dinedescribe ang adik na 'to?

Napansin ko ang pagnginig nito kaya hinawakan ko ang kanyang noo, mainit siya.

Pero bakit ko naman siya pagaaksayahan ng oras? Bahala siya sa buhay niya! Manigas siya matapos niya akong irap-irapin at sungitan.

Hihiiga na sana ako sa pinagdugtong kong upuan ng marinig ko ang pagungol nito.

Kingina! Nangongonsensya ba ang adik na 'to?

Kinuha ko sa bag ko ang bote na may lamang mineral water na binili ko kanina at ang panyo ko.

Binasa ko ang aking panyo at nilagay ito sa kanyang noo. Nanginginig parin ito kaya napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi alisin ang blazer at jacket ko mabilis ko itong pinulupot sakanya.

Muli na ulit akong humiga at pinanood siya matulog. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng dumilat ito at tinignan ako.

That GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora