Kabanata 58

497 17 0
                                    


ALLIE PREYAR

"Paano ko ba siya matutulungan?" tanong ko kay Lola Mercy.

Nandito kami ngayon sa kanyang coffee shop. Ininom niya ang kape bago ako tinignan.

"Sa pamamagitan ng katawan mo at ang mga nalalaman mo sa nakaraan niya." itinikom ko ang bibig ko.

Ano bang alam ko sakanya? Bukod sa schoolmate ko siya at sa kapatid ko siya, ano nga ba ang alam ko tungkol sa nakaraan niya? Hindi naman kami naguusap dati at mas lalong hindi niya alam na nageexist pala ang katulad ko sa eskwelahan niya.

Umiling ako kay lola Mercy at tinignan siya ng seryoso. "Bukod sa kapatid at schoolmate ko siya, wala na akong ibang alam tungkol sakanya. Hindi naman kami magkakilala- I mean hindi naman niya ako kilala. So I think wala akong maiitulong sakanya. Katawan ko lang ang satingin ko maitutulong ko."

Nag buntong hininga ito. "Hija, satingin mo bang 'yun lang ang nalalaman mo sakanya?" nagkibit balikat ako.

Matapos ang usapan namin ni Lola Mercy ay agad na akong umuwi at humiga sa kama. Inisip ang lahat kung may alam ba talaga ako.

Avery Mason, ang babaeng mahal ni Cleo at Travis, kinaiinggitan ng lahat, nasa kanya na ang lahat, kaibigan niya si Kareen at Venice. Bukod dun 'yun lang ang iba ko pang alam sakanya.

Kareen, alam ko ay isang taon na silang mag kaibigan pero ang bali-balita sa school ay siya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Cleo.

Bigla akong napaupo sa pagkakahiga ng biglang may napagtanto sa tanong sa isip ko. Hindi kaya...

"Bakit hindi ko naisip iyon?"  Dali dali  akong tumakbk palabas ng apartment dala ang jacket at ang susi.

Kailangan kong puntahan si Lola Mercy bago pa mahuli ang lahat. Kailangan niyang malaman ang mga nalalaman ko ngayon.

Halos mapamura na ako ng wala masakyan pagkalabas ko sa apartment na tinutuluyan ko. Nakisabay pa sa mabilis na pag agos ng ulan at lamig na hanging dumadampi sa mukha ko ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na kaong pakialam kung mabasa ako.

Wala ng nasa labas ngayon dahil dis oras na ng gabi at malakas ang ulan.

Napapikit naman ako ng masilaw ako sa liwanag nang gagaling sa harapan ko. Bago paman ako makakilos sa nang mapagtanto kung ano iyon ay isang malakas na busina ang narinig ko at doon na akong nawalan ng malay.

That GhostWhere stories live. Discover now