Kabanata 59

486 17 0
                                    


TYLER VERGARA

Parang naging slow motion ang lahat ng nasa paligid ko ng makita ko si Allie. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nahulog lahat ng mga pinamili kong pag kain na dapat ay ibibigay ko kay Allie sakanyang apartment. Ngunit mukhang hindi ko na maibibigay dahil sa nakita ko.

Para akong nabingi at hindi malaman ang gagawin. Halos hindi ko narin marinig ang sigaw ko habang nilalapitan papunta sa babaeng duguan at nakahiga sa sahig.

Nag simula naring tumulo ang luha ko pero hindi iyon makikita dahil nababasa narin ako ng ulan.

"Allie! No! No!" luminga linga ako at napansin kong meron naring mga tao ang nagsisilabasan at nakikiusisa nangyari.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" napipiyok kong sigaw sakanila habang hawak hawak ang duguan na ulo ni Allie.

"Allie! Gumising ka wag kang matutulog please."

Kinagat ko ang ibabang labi habang bawat minuto ay tumatayo ako para tumingin sa maliit na glaas window ng pinto ng Emergency room kahit na alam kong hindi ko naman siya makikita. Napasabunot ako sa buhok ko at huminga ng malalim.

Allie, please lang lumaban ka.

"Tyler! What happened!?" Narinig kong sigaw ng hinihingal na si Allieson habang si Venice naman ay umiiyak na.

Napapikit ako at naiiyak na tumingin sa pinto ng ER.

"I-i don't know, nung pupuntahan ko siya sa apartment niya ay nakarinig nalang ako ng ingay sa daan at nakita ko siyang nasa sahig na at... at d-duguan." bawat pagpikit ko ay nakikita ko nanaman ang nangyari kanina.

Halos magtatatlong oras na akong nandito pero hindi parin lumalabas ang doctor. Pilit akong kinakausap ng mga police kanina pero hindi ko sila magawang makausap ng maayos. Lutang parin ako sa nangyayari kaya hinayaan na muna nila ako.

"Jusko." ani Venice at napaupo nalamang sa malamig na metal na upuan.

Hindi kami nagsalita matapos n'un. May katawagan si Allieson sa kanyang phone. Naghintay pa kami ng ilang oras bago lumabas ang doctor sa E.R.

Mabilis akong tumayo at agad na tinanong ang doctor. "How is Allie Doc?!"

Bumuntong hininga ito at inalis ang mask sa kanyang bibig. "Ms. Preyar is still unconscious, marami ring dugo ang nawala sakanya at kung titignan napuruhan ang kanyang ulo. Ite-test pa kung ano ang problema. The operation was successful. But I can't assure you na magigising pa ito."

Napaupo ako sa upuan nanlulumong tinignan ang dalawa na hindi na rin umimik. "Pero successful naman daw hindi ba?" mahinang sambit ni Venice at napaiyak muli.

"Bakit siya lumabas ng dis oras ng gabi?" out of nowhere na tanong ni Allieson.

Bigla naman akong napaisip sa tanong ni Allieson. "Nakita ko siyang tumatakbo at mukhang nag mamadali."

"Kung ganun, ano naman ang dahilan?" tanong ni Venice dahilan para magkagulo ang isip ko.

That GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora