Kabanata 26

521 22 0
                                    


"Omg, is that Kareen and Cleo? They're so sweet. No wonder mas talaga bagay sila ni Kareen." napatigil naman sa pag nguya si Venice ng marinig niya ang sinabi ng isang estudyanyeng babae malapit sa pwestong pinag kakainan namin.

Napakagat labi ako ng marinig ko ang  pangalan ni Cleo.

Kita ko ang pagkairita sa reaksyon  nito dahil sa paglako ng butas ng ilong niya. Natawa ako. Parang nabawasan kahit papaano rin ang inis ko sa narinig doon sa babaeng iyon dahil sa itsura ni Venice.

"May pa sweet pa kayong nalalaman. Sana langgamin kayo leche." iritadong bulong ni Venice dahilan para lalo akong matawa.

Pero napawi rin ang pagtawa ko ng may biglang sumagi sa isip ko. Ikinalabit ko si Venice na ngayon ay halos mukhang pinagsakluban na ng langit.

"Bakit never nilang nababanggit ang pangalan k- este ni Avery?" halos matigil ito sa pag nguya at tinignan akong nakakunot noo. Pero maya maya'y nginiwian ako nito at binitawan ang kubyertos.

"Halata talagang wala kang pakialam sa nangyayari noon eh no?" bumuntong hininga ito at malungkot na ngumiti.

"Hindi na sila nag tangka pang magkwento sa nangyari dahil kay Travis." napakunot ako ng noo.

What about Travis?

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

Huminga ito ng malalim at ininom ang coke na nasa lamesa.

"It's because, nang marinig niya ang isang estudyante na nag sabing buti at nagpakamatay si Avery ay kahit babae ito ay sinuntok niya at pinagbawalan niya ang bawat esudyante na magkukwento ng tungkol sa pagkamatay ni Avery." napakurap ito at kita ko ang pag kislap ng kanyang mga mata.

Napakagat ako ng labi at hindi ko maiwasang mapangiti. Maswerte pala ako noon at nakilala ko si Travis and even Venice. And wait, what?

Ipinaypay niya ang sarili niya gamit ang kanyang mga kamay at bumuga ng hangin. Ngumiti ito sakin.

"L-leche naman kasalanan mo 'to masyado ako nagiging emosyonal lately." tumawa ito pero kita sa mukha niya ang lungkot.

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang galaw nito

Saglit akong napakurap ng nakaramdam ako ng basa sa aking pisngi. Hindi ito napansin ni Venice dahil pinunasan niya ang luha sa mata niya kaya dali-dali kong pinunusan ang pisngi ko at mabilis na inayos ang gamit ko sa lamesa kaya doon napalingon saakin si Venice.

"Saan ka pupunta?" tanong nito hindi ko siya tinignan.

"P-pupunta muna ako sa likod, pakisabi nalang kay Tyler na thank you sa pagkain." pagkasabi ko nun ay dali-dali akong tumakbo palabas at doon na tuluyang lumabas ang luha ko.

If I hadn't met Cleo, will I not end my life?

That GhostWhere stories live. Discover now