Kabanata 34

493 22 0
                                    

"Hindi ko alam Lola Mercy, basta nakita ko nalang wala na ako sa katawan niya and I tried na bumalik pero ayaw?" iiling-iling kong paliwanag dito.

Matapos ang eksenang nangyari kanina lang ay agad akong dumiretso kay Lola Mercy na mukhang gulat na gulat ng makita ako.

Hindi ko alam kung bakit nangyari ito. Panigurado magugulahan niyan si Allie sa nangyayari kapag nalaman niya ilang linggo o buwan na ang nakalipas ng wala siyang naaalala.

Huminga ng malalim si Lola Mercy at tumingin sakin. "Huminahon ka muna hija. Masyado na nanghina ang katawan ni Allie, Avery. Hindi na nakaya ng katawan niya na tanggapin maski ikaw. Kung gusto mong makabalik pa sa katawan niya kailangan may sapat siyang enerhiya." ani niya sa seryosong boses.

Nabuntong hininga ako at hinilot ang sentido.

Sigurado akong doble problema ito n'yan. Pag nalaman niyang wala siyang malay ng sa nangyari sa nakalipas dalawang buwan at kalahati.

"Lola Mercy, anong gagawin ko?" nafufustrate kong tanong kay Lola na ngayon ay mukhang malalim ang iniisip.

"Sa ngayon, hintayin muna nating magising si Allie." Iyon ang huli niyang sinabi bago ko ng naisipang umalis para makapagisip-isip.

Medyo nahihirapan na ako sa nangyayari, Till now naguguluhan parin ako sa kaunting nakaraan ko. Makakabalik pa ba kaya ako sa katawan niya? Paano ang misyon ko kung hindi na ako makakabalik?

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa labas ng kwarto kung nasaan siya. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Tyler at Venice na naguusap.

"Ty, anong nangyayari kay Allie bakit hindi parin siya nagigising?" naiiyak na si Venice kaya bigla akong kinabahan.

Kita ko ang kaba sa mukha nila. "Are you sure na mataas lang ng lagnat niya ng madaanan mo siya sa apartment niya?" seryosong tanong ni Tyler dito na todo tango naman ang isinagot ni Venice rito.

Huminga ng malalim si Tyler at umupo sa gilid. "Una palang alam ko ng may kakaiba sakanya." bigla akong napatigil sa sinabi ni Tyler.

Hindi kaya alam ni Tyler? Alam niyang hindi siya si Allie kundi ako?

Kumunot ang noo ni Venice. "What do you mean by that Tyler?" nauutal na tanong ni Venice maski ako ay biglang nanlamig.

"Nag umpisa ang lahat ng iyon noong setyembre 1, nung unanh araw na kinausap niya ako." kita ko ang gulat sa mukha ni Venice.

September 1, iyon yung araw na nakuha ko ang katawan ni Allie.

Suminghap si Tyler at tinignan si Venice na mukhang naguguluhan rin sa pinagsasabi niya.

"Naramdaman kong hindi siya si Allie, Venice. Ibang presensya ang nararamdaman ko sakanya at ang presensyang iyon ay alam kong pamilyar pero hindi siya." ani to sa malal na tono.

"And I can say, the presence is here."

That GhostWhere stories live. Discover now