Kabanata 36

497 18 0
                                    


TYLER VERGARA

Kinuha ko ang mansanas na binalatan ni Venice at sumandal sa upuan. Nang dumating ang mga doktor ay nagwawala si Allie kaya minadali na naming papuntahin ang kakambal niya na dadating mamayang gabi. Huwebes na sa totoo lang may pasok kami ngayon pero naisipan muna naming banatayan si Allie. Pag dumating nalang ang kakambal niya doon na kami aalis.

"Now tell me everything you know Tyler, all these months iba pala ang nakakausap ko!" dali-daling kinuha ni Venice ang tubig na nasa lamesa para uminom.

Palihim akong napangisi dito. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kalagayan niya o matatawa.

"What? wala akong alam sa nangyayari Ven, it was just that naramdaman ko ang ibang presensya na nasa katawan ni Allie and natuklasan ko lang talaga na tama hinala ko noong araw na dalhin siya dito sa hospital." dumikwatro ako at tinignan siya na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala sa nangayayari.

"T-then, bakit ganun? Anong kailangan ng multo na iyon kay Allie? shit, this is creeping me out." Bumulong pa ito sa dulo na hindi ko na narinig.

Natahimik ako sa tanong niya. Even I want to know what was the purpose of that spirit.

"2 months and a half siyang nasa katawan ni Allie! Jusko at dahil sa sobrang paggamit ng katawan ni Allie ay mismo ang katawan na ang bumigay kaya isang araw naka tulog si Allie." ani to sa natatarantang mukha.

I have a sixth sense. But not totally to the point na nakikita ko ang mga espirito pero nararamdaman ko sila it's either a good or an evil. Pero sa nararamdaman ko sa sumanib kay Allie ay mukha siyang mabait. But something is weird sa nararamdaman ko doon sa espirito ngayon. Halo-halo na.

Bago paman ulit makapagsalita si Ven biglang bumukas ang pinto ay bumungad sa amin ang hinihingal na si Cleo.

Anong ginagawa niya dito?

That GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora