Kabanata 51

462 16 2
                                    

ALLIE PREYAR

Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Wait, so you mean po na connected sila sa isa't isa?" gulay na ani Venice.

Tumango si Lola Mercy. "Oo hija, kaya kailangan ko makausap si Allie para matulungan niya si Avery." nagkatinginan ang dalawa.

"Pasensya na po Lola." si Tyler.

"Bakit?" tanong ng matanda habang papalit-palit ang tingin sa kay Tyler at Venice.

Umiling si Venice habang nakayuko parin. "Pasensya na po kayo, pero mukhang malabo po ang gusto niyong mangyari."

"Hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap ang nangyari at kung pipilitin po namin siya satingin ko ay hindi siya papayag."

Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Nag buntong hininga ako. Ano ba ang gagawin ko?

Tumayo na ako upang umalis sa pinagtataguan. Nagulat sila at mag sasalita na sana ng pinigilan ko ito. Kinuyom ko ang kamao ko at muling pumikit.

"Papayag na ako sa gusto mong mangyari."

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon