Kabanata 56

478 17 0
                                    

AVERY MASON

Sa isang iglap ay napadpad na naman ako dito. Tumayo ako at lumapit sa hand railings nito. Hinawakan ko ito at tumingin sa buong kapaligiran ng eskwelahan. Ang dati kong iskul.

Tatlong araw na ang nakalipas. To be exact, pitong araw nalang ang natitira. At pasko na rin ngayon. Ngunit meron pa ring mga etstudyante ang narito at masayang kumakain at nagkukwentuhan. Marami ang palaro para sa mga batang nasa ampunan, Mga batang dumalo sa eskwelahan na ito upang ipagdiwang ang pasko. Punong-puno ng tawa at saya ang makikita't maririnig sakanila. Bumuntong hininga ako at umupo sa hand railings.

Ipipikit ko nasa na ang mga mata ko upang damdamin ang hanging pumapagaspas sa aking balat ng bigla akong nakarinig ng kalabog kaya mabilis akon napalingon dito.

Nang makita ko kung sino ito ay doon na nagsimulang gumihit ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Cleo.

May hawak itong tatlong puting rosas at seryosong nag lalakad papalapit sa pwesto ko. Isinandal nito ang kanyang mag kabilang siko sa railings at pinaglaruan ang tatlong puting rosas sakanyang mga kamay.

"How are you, Avery?" napatigil ako.

"Labing-isang buwan na ang nakalipas simula ng magpakamatay ka." isang malungkot at matipid na ngiti ang ipinakita nito habang tinitignan lang ang bulaklak sa kanyang kamay.

"You know what, may nakilala akong babae. I don't know pero ikaw ang nakikita ko sakanya. I said I like her, pero tumawa lang ito at sinabing hindi ko siya gusto dahil napapansin ko lang siya sayo. Nagulat ako and then I realized na tama pala siya gusto ko lang siya dahil nakikita ko lang siya sayo."

Parang nawarak ang puso ko ng makita ko ang patuloy na pag patak ng kanyang luha sakanyang pisngi.

"Bakit ka ganito? Bakit kahit na wala ka na sinasaktan mo parin ako? Hindi pa rin kita makalimutan."

Inangat nito ang kanyang ulo at pumikit upang pigilan muli ang pag tulo ng kanyang luha. Nakaramdam narin ako ng basa sa aking pisngi.

"Lagi ko nalang sinisisi ang sarili ko dahil sa pag kamatay mo. Kung alam ko lang, kung alam ko lang na magpapakamatay ka sana, s-sana ay nasa tabi ako ng mga araw na'yun."

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon