Kabanata 47

500 17 2
                                    


Tahimik kong binaybay ang pasilyo ng aming eskwelahan. Kakaonti lamang ang mga pumasok na estudyante ngayon.

Galit talaga ako dahil sa pagsisinungaling ni Mama pero ang isa sa kinaiinisan ko ay iyong totoong iisang tatay lang kami ni Avery.

Naiinis ako kay Avery to the point na gusto ko na siyang sirain pero kahit na ga'nun na ang gusto kong mangyari ay hindi ko magawa. Naiingit ako sakanya. In fact na sakanya na ang lahat dalawa ang nagmamahal sakanya kasama ang lalaking minsan ko narin minahal, Travis.

Pero bakit nakakaradam ako ng awa sa pinagdadaanan niya ngayon? Ang masira sa maraming tao. Hindi ba't dapat matuwa ako?

Ilang oras ang lumipas na nag panggap akong maayos ang lahat. Kung hindi ako kikilos ng maayos ay alam kong mahahalata ito ni Venice at kukulitin lang ako.

Tinignan ko ang orasan. Alas dos na ng hapon ngayo'y nasa rooftop kami at nag aaral para sa nalalapit na exam. Hindi ko pa nakikita si Tyler ngayon pero kahit naman siguro mag kita kami ngayon ay wala ako masasabi sa mga nangyayari. Ayokong mag alala pa ito.

Mahigit isang oras narin ang nakalipas ng mapagpasyahan na naming bumaba na at mag meryenda muna.

"Ano ang iyo Allie? Ako na ang bibili." presinta ni Venice.

"Orange juice at tuna sandwich na lang." ibinuklat ko ang aking bag para kuhanin ang wallet ng mapagtanto kong wala ang dala-dala kong notebook sa aking bag. Nandoon lahat ng mga kailangan aralin. Hindi pwedeng mawala iyon.

"Venice, nasa iyo ba ang notebook ko?"

"Wala sakin, baka nakalimutan mo sa rooftop."

"Sige titignan ko muna doon. Eto ang wallet ko sandali lang."

Dali-dali kong inakyat ang rooftop para kunin ang naiwang notebook. Pipihitin ko na sana ang door knob ng
may pumihit na rito kaya'y dali-dali akong nag tago sa mga naka tambak na lumang upuan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa mag tago pero nakakaramdam ako ng kakaiba.

Sumilip ako at halos malukot ang aking mukha ng makita ko si Kareen na balisa at mukhang hindi mapakali na ang ulo kakalingon nito sa kung saan. Ilang segundo lang din ay tumakbo na ito.

Ano ang ginagawa niya dito? At bakit parang problemado ang mukha noon?

Napailing nalamang ako at isinawalang bahala na ang nakita at pumunta na rooftop para tignan ang notebook. Bago pa man ako makaalis ay nakita sa gilid ng aking mata ang bakas ng dugo sa may sirang safety railing. Bakit ba hindi pa nila inaayos itong hand railing? Maraming madidisgrasya d'yan.

Sandali, dugo? Bakit may dugo? Wala naman ito ng pumunta kami kanina rito ah. Sa takot na baka kung ano iyon ay hindi ko na ito nilapitan ay dali-dali ng tumakbo pababa.

That GhostOù les histoires vivent. Découvrez maintenant