Kabanata 6

707 27 0
                                    

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tumango ako at ininom ang tubig na nasa lamesa. Saglit pa akong napapikit ng kumirot ang ulo ko.

Hindi kaya dahil ito sa Olives? Tinig-nan ko si Lola Mercy na nilalapag ang pagkain sa harap ko. "Lola, kanina kinain ko ang olives dahil akala ko ay walang mangyayaring masama saakin dahil katawan naman ito ng ibang tao." pagsisimula ko.

Napatigil ito sa paghain at tinignan ako.

"Allergic ka ba sa olives?" tumango ako.

Pinagpag nito ang kamay gamit ang kanyang apron at mabilis na umupo sa harap ko. "Ibig sabihin, naaapek-tuhan pa rin ang kalulwa mo kahit na nasa ibang katawan ka." napabun-tong hininga ako.

"Ingatan mo ang katawan na iyan Avery dahil hiram mo lamang iyan." paalala nito kaya napatango nalang ako.

Gusto ko ng matapos ito. You know gusto ko ng umakyat at payapa ng makapagpahinga. "Lola, bakit alam mo ang bagay na 'to?".bigla itong napatigil sa pagkain at tinignan ako.

Maya maya ay ngumiti ito ng malungkot.

"Gaya mo ay may nasaksihan na rin ako noon." bigla naman akong napangiti at inilapit ang ulo ko sakanya.

"Anong nangyari?" bumuntong hininga ito at uminom muna ng tubig.

"Gaya ng sabi ko, kapag hindi natapos ng isang espiritu ang kanyang gawain dito sa mundo bago sumapit ang unang anibersaryo ng kanyang kamatayan ay maaari ito balutan ng masamang elemento. " malungkot na pahayag nito kaya nawala ang ngiti ko sa labi.

"Huwag na natin itong pagusapan Avery, ang mabuti pa ay kumain at mag pahinga ka muna. Tandaan mo, kailangan mong ingatan ang katawan na iyan dahil hindi saiyo 'yan." sa huling pagkakataon ay napatango ako at ngumiwi.

Alam ko 'yun aalagaan ko ito. Ulit-ulit talaga si Lola.

Sumandal na ulit ako sa upuan at hindi na muli nagsalita. Mag aalas- otso na ng gabi kaya naisipan ko ng magpaalam na kay Lola Mercy at umuwi nalang.

Nakita ko naman sa cellphone nitong babaeng ito ang address niya kaya hindi na ako nahirapan pa atsaka kung makikitira ako kay Lola ay nakakahiya na. Masyado ng maraming naitulong saakin at ayaw ko ng makaistorbo pa.

Bago pa man makatalikod saakin si Lola ay napasapo ako ng noo at mabilis itong tinawag. "Ahmm Lola, pwedeng pahinging pera?"

Bwisit! bakit kasi isang daan at dalawang piso lang ang laman ng wallet niya? Seriously? Nabubuhay ba siya sa lagay na'yun?

Sinipa ko ang bato na nakaharang sa daan. Naglalakad na ako ngayon sa subdivision kung saan ang bahay ng babaeng ito. Teka, may magulang ba'to? Aba kung wala, saan ako manghihingi ng pera para bukas? Wag mo sabihing magtatrabaho ako?

Kinuha ko ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Matapos nito ay binuksan ko ang ilaw sa loob at bumungad sakin ang maliit na sala na merong maliit na sofa at err... sinaunang t.v. sa harap sa gilid naman ay maliit na kusina na may isang gas stove, maliit na lamesa tapos may pinto naman doon na nakabukas. Eto siguro ang cr.

Nilapitan ko 'yun at napangiwi nalang. Paano ako maliligo dito sobrang sikip.

Ano 'yun uupo ako sa inidoro habang naliligo? What the hell! Ano bang nagawa kong masama noong buhay pa ako para gan'to ang gawin sakin?

Sa kaliwa naman ay merong apat na steps ng hangdan at dito ay kwarto. Umakyat ako at binuksan ang kwarto. Sa 'di malamang dahilan ay napabuga nalang ako ng hininga ng makita ko ang isang single bed at sa gilid ay maliit electric fan na akala mo nabugbog sa gilid at may maliit na plastik drawer sa tabi nito.

Calm down Avery, isipin mo nalang na ito ang paraan para makaakyat ka na sa langit at maging payapa.

May I rest in peace after this shit.

That GhostWhere stories live. Discover now