Kabanata 35

491 18 0
                                    


TYLER VERGARA

"What the fuck Tyler? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako nakikipag biruan this is a serious matter. Allie said she want to change for the better." ani nito sa iritadong tono.

Hindi ko siya pinansin at pumikit lang para hanapin kung nasaan ang espiritong nanggugulo kay Allie.

Nang idilat ko ang aking mata napansin ko ang isang anino lamang na nakatayo sa gilid ng pinto

"Who are you?" nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag kunot ng noo ni Venice.

"Anong intensyon mo kay Allie at bakit mo siya ginagambala?" madiin kong utas. Biglang nagpatay sindi ang mga ilaw at rinig ko ang pagtili ni Venice.

"W-what the hell is that Tyler!? Ano bang pinagsasabi mo? You're creeping me out!" umiling ako at pumikit ulit pero naramdaman ko nalang na wala na ito dahil hindi ko na maramdaman ang presensya nito.

Pero bago pa man makapagsalita ulit si Venice ay bigla kaming nakarinig ng kalabog sa loob ng kwarto ni Allie.

Ano iyon?

"Allie!" nag-aalalang lumapit si Venice sakanya habang ako ay nasa harap tapat lamang ng pinto.

Si Allie na'to, siya na ang nararamdaman ko ngayon. Pero sino ang espiritong iyon? Ano ang dahilan niya bakit si Allie pa ang nabiktima niya? Hindi kaya ay may koneksyon silang dalawa?

"V-venice, anong nangyayari sakin? Wala akong maalala sa nangyayari? A-ang alam ko lang naglalakad ako sa bayan para bumili pero bakit ako nandito?" kita ko ang pag kagulat sa mukha ni Venice habang si Allie ay nagsisimula ng umiyak.

Hindi ko maiwasang hindi magalala sakanya. Una palang alam ko na pero hinayaan ko lang iyon dahil akala ko guni-guni ko lang. Napagtanto ko lang ito gabi matapos madala dito sa hospital si Allie.

At alam ko mangyayari ito and I can't blame Allie. Kung sino man iyong espirito na iyon, gagawin ko ang paraan para mahanap siya.

"Sabihin mo sa akin, diba september palang?" nakita kong umiiyak na si Venice habang umiiling.

Gusto kong lumapit at punasan ang luha sa mata niya. Gusto ko siyang yakapin para mawala ang takot na nararamdaman niya. Pero hindi ko magawa. I know this is not the perfect time.

Tumingin sakin si Venice. "Mag-usap tayo mamaya Tyler, tell me everything you know. For now tatawagin ko muna ang Doctor." umalis na siya kaya wala akong nagawa kundi ang panoorin si Allie na nakasiksik lang sa gilid yakap ang kanyang tuhod. Napabuntong hininga ako at hindi na nagsalita.





That GhostHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin