Kabanata 25

532 23 0
                                    

Ipinasa ko ang assignment sa aming secretary and tumayo na para kumain ng lunch.

Dalawang linggo na ang nakalipas noong sinabi sa akin ni Cleo na gusto niya ako at ngayon may pasok na. Pero matapos ang araw na sinabi ko ang mga salitang iyon ay hindi na ito muli pang nagpakita.

Pati ngayon ay hindi ko pa siya nakita. Tapos na ang sembreak and guess what? Maraming tinambak saamin ng mga assignments ang mga teachers kaya rush kami sa pagpasa ng mga ito.

November na, akalain mo 'yun napakabilis ng araw na nagdadaan. Isa't kalahating buwan nalang ang natitira. Nagsisimula ko naring bilugan ang calendaryo.

"Allie!" napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Venice sa akin.

Nasanay na rin ako na tinatawag na Allie dahil siguro nga gamit ko ang katawan niya.

"Sasabay ka bang kakain saamin ni Tyler?" matipid ko siyang nginitian at tumango.

Si Tyler na ang nag-order para saamin kaya naghanap na kami ng mauupuan ng mapansin ko ang grupo ng babae sa gitna at maarteng nagtatawanan.

Lahat ng mga estudyante ay pinagtitinginan sila. Ang mga mukha nito ay halata mong hindi nadadaplusan ng mga dumi. Nakajersey shirt ito at maliit na palda satingin ko ay mga cheer dancer sila.


May mga alahas din itong suot na isinisigaw ang karangyaan nito. Napailing ako.

Ibabalik ko na sana ang tingin sa harapan ng may napukaw akong isang babae na nasa gitna ng apat na babae. Makapal ang make-up ang nasa kanyang mukha nakahalukipkip ito at halata mong may tinitignan sa entrance ng pinto ng cafeteria.

Pamilyar ang isang ito. Itinaas ko ang tingin ko ng tumayo ito lahat ng mga estudyante ay napayuko at nagsi-alisan sa gitna ng daan ng maglakad ito pero ang mga mata nila ay pinapanood ang bawat galaw nito.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil ito sa isang lalaking hindi ko makita ang mukha. Yumakap itong babae dito sa lalaki kaya napakunot ako ng noo ng makita ko ang kalahati nitong mukha.

It's Cleo.

At dahil sa nakita ko ay nakaramdam ako ng kurot sa puso. Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa strap ng shoulder bag ko at pinanood lamang sila.

Bago ko paman maitanong kay Venice kung sino ang babaeng iyon ng makita ko ang likod ng jersey shirt nito.

Albinos, 29.

That GhostWhere stories live. Discover now