Kabanata 50

471 19 2
                                    


Allie Preyar

"Allie naman please lang kumain ka naman kahit iyon lang ang gawin mo." iniangat ko ang aking ulo ng marinig ko pagsusumamo sa mukha ni Venice.

Natigil lamang ako sa pag talikod rito para sana hindi na ito pansinin pa nh mapansin ko itong nag simulang umiyak. Araw-araw ay lagi siyang pumupunta dito at pilit akong pinapakain. Pero wala akong gana, tanging tubig at tinapay lang ang nakakain ko.

"Allie, maraming nagaalala sayo pati ang mama mo ay hindi na makatulog gabi-gabi kakaisip sa'yo. Alam kong mahirap sa'yo ang nangyayari at galit ka pero alagaan mo naman ang sarili mo tignan mo ang payat payat mo na!"

Mag sasalita na sana ako upang paalisin siya ng biglang bumukas ang pinto at sa gulat ng makita ang pumasok. Tyler.

Nag-iwas ako ng tingin rito. Alam ko rin naman na lagi siyang narito pero hindi ko sila kinakausap man o pinapanson. Nandito lang ako sa kwarto at nagkukulong.

Umiling si Venice at mabilis na lumabas ng kwarto ng makarinig ito ng doorbell galing sa labas. Naiwan sandali si Tyler sa loob pero hindi ko siya pinansin hanggang sa napag pasyahan na rin niya ang umalis.

Napabuntong hininga naman ako at tumayo. Parang may pumipilit saakin na silipin kung sino ang bisita.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nagtago sa gilid.

"Lola Mercy, ano pong kailangan niyo?" ani Venice ng makaupo sila sa sofa.

Naningkit ang mata ko. Ito iyong matandang kumausap sakin noong nasa hospital ako.

"Kumusta na si Allie, hija?" narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tyler.

"Lola, ano po ba ang pinunta niyo dito? May kailangan po ba kayo?" si Venice na hindi sinagot ang tanong ng matanda.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lola Mercy. "Ilang linggo na ang nakalipas pero madalang nalang mag pakita sa akin si Avery. Minsan kapag nakikita ko ay lagi nalang siyang matamlay at parang wala sa sarili. Nag aalala ako sakanya lalo na't sampung araw nalang ang natitira bago ang araw ng kamatayan niya." punong puno ng pag aalala na ani ng matanda.

Nang banggitin nito ang pangalan niya ay gumuhit nanaman ang hindi ko mawaring nararamdaman sa akin.

"Ibig po bang sabihin 'nun..." gulat at kaba ang rumehistro sa mukha ni Venice at hindi matapos tapos ang sasabihin.

Nabalot ng katahimikan ang paligid ng ilang segundo. Yumuko ang matanda at tumango.

"Oo, hija." rinig ko ang pag singhap ni Venice.

"Kung ganun po ba, ano ang ipinunta niyo dito?" si Tyler.

Nag angat ng tingin ang matanda sa tanong ni Tyler. Maski ako ay naging ialerto sa magiging sagot niya. Tahimik ko lamang hinintay ang bibitawan nitong salita. Hangga't maaari ayokong makita nila ako na nakikinig.

"Pumunta ako rito dahil tanging si Allie lang ang makakatulong kay Avery. Alam kong meron siyang koneksyon dito kung ano ba talaga ang nangyari kay Avery at alam kong siya lamang ang satingin ko makakatulong rito."


That GhostWo Geschichten leben. Entdecke jetzt